Chapter 25

38 14 1
                                    

Shout out NoreignAntonio :) I don't know you, still, thank you for your support! <3

Share my book to your friends too!

Sino kaya ang kasayawan ni Mally sa dance floor? Abangan pa ang mga susunod na kabanata para sa mas exciting at kilig moments! :) 


Chapter 25

Paglingon ko ay ang matalim na titig ni Rayleigh ang aking nakita. Namumula ang kaniyang mga mata na parang galit ito.

"Shit." Bulong ko.

"What are you doing here, Mally?" iritado niyang tanong at hinawakan ng mahigpit ang aking braso.

"It's none of your business." Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas. "Get your hands off me, Rayleigh!"

Walang nakarinig sa sigaw ko dahil sa lakas ng music kaya naman sinubukan kong kagatin ang kaniyang kamay.

"Stop that, Mally." Ngunit hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy na kalasin ang pagkakahawak niya.

"Nasasaktan ako, Rayleigh. Ano ba?!" sigaw ko sa kaniya.

Bahagyang lumuwang ang kaniyang pagkakahawak at pagod na tumingin sa akin.

Hindi pa man ako nakakabawi ay hinila na niya ako palabas ng bar at dinala sa parking lot. Masyadong malakas ang tama ng alak sa akin para pigilan pa si Rayleigh. May parte rin sa akin na kusang sumama. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko!

Pinatunog niya ang isang sports car at ipinasok ako sa passenger seat 'tsaka siya umikot.

"Why did you bring me here?" pagod kong tanong habang sapo ang aking ulo dahil sa hilo.

"Sorry. I just want to talk to you. Can you please give me a chance to explain?" paki-usap niya.

Tama ba ang narinig ko? Si Rayleigh na may pusong bakal ay nakiki-usap? Lasing na nga yata ako.

"What did you just say? Explain? For what?"

"For everything." Halos bulong ito.

"You have nothing to explain, Rayleigh. Tapos na 'yon, 'hwag na nating balikan." Napakagat ako sa aking labi. Pinipigilan ang sariling may masabing hindi tama.

"Payag ka man o hindi, I'll explain." Pinal niyang sabi.

Sumandal ako sa car seat at huminga ng malalim. Umaalon pa rin ang aking paningin. Siguro ay pakikinggan ko na lang siya para matapos na 'tong kahibangan niya.

Kita ko sa gilid ng aking mata na humarap siya sa akin at dinilaan ang pang-ibabang labi. Pumikit ako upang namnamin kung ano man ang kaniyang eksplanasyon.

"Sorry about what happened eight years ago." Panimula niya.

"Hindi ko alam na pupunta si Olivia sa school noon. We're just friends. Magkababata kami and family friend ang kanilang pamilya. Dad convinced Olivia's family to get us married to save our company, dahil naging pabaya si dad magsimula nang maghiwalay sila ni mommy. Pumayag din sila dahil advantage rin ang pag-merge ng dalawang kumpanya sa kanila. Hindi ako pumayag nang sabihin sakin ni dad ang ideya niya, pero hindi niya pinakinggan ang side ko at itinuloy pa rin ang engagement."

Dumilat ako nang tumigil siya sa pagsasalita. Nakatingin lamang siya sa akin ng malungkot.

"Are you okay?" tanong niya ng matagal na akong nakatitig sa kaniya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Yeah. I'm just dizzy because of the alcohol." Tumango siya at ako naman ay pumikit na ulit.

"Hinanap kita nang matapos ang announcement sa gym kaso hindi na kita makita. Tinanong kita kay Jess, ang sabi lang niya ay umalis ka raw ng walang pasabi. Hinanap kita sa buong school pati na rin sa bahay niyo. Tatawagan na sana kita kaso huli na nang malaman kong nakalimutan ko ang phone ko sa gilid ng stage. Umuwi ako sa bahay nagbakasakaling umuwi ka na, pero wala ka. Ipapahanap na sana kita sa mga guards namin ngunit sinabi sa akin ni dad na umuwi ka sa kuya mo kaya nagpakampante ako."

Napadilat ako nang naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay at pinagsiklop ang aming mga daliri. 'Tila may kuryenteng dumaloy sa aking sistema dahil sa kaniyang ginawa. Hinayaan ko lamang na 'ganon ang aming pwesto.

"Hindi rin ako pinaalis ni dad sa bahay dahil nandoon si Olivia. Nagulat na lang ako dahil dala niya pala ang phone ko. Agad kong tiningnan kung may text ka, ngunit wala. Inisip ko na lamang na nagtampo ka siguro dahil sa nangyari. But I swear to God, Mally, ikaw lang ang inisip ko noon buong gabi."

Parang pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita kong mahinang Rayleigh ngayon.

"Kinabukasan akala ko ay magkikita tayo, pero ang sabi ng mga classmates niyo ay absent ka kaya nagpasya akong pumunta sa bahay ng kuya mo pagkatapos ng klase, nagbabakasakaling mag-usap tayo. Pagdating ko sa kanila ay pinagsusuntok niya ako at galit na galit siya dahil sinabi niyang niloko kita. Nagpaliwanag ako sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan."

Tumingala siya at lumunok. Kitang-kita ko ang hirap ng nararamdaman niya habang kinukwento ang nakaraan.

"Sinabi niyang layuan kita at hayaan na. Nagulat na lang ako nang malamang sumama ka raw kay Jess sa Italy. Gusto ko mang sundan ka, hinold naman ni dad lahat ng mga account ko dahil alam niyang susundan kita. Galit na galit ako sa mundo 'non, Mally. Galit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para makausap ka. Halos mabaliw ako noon dahil iniwan mo ako ng walang paalam."

Napatingin ako kay Rayleigh dahil sa kaniyang paghikbi. Hindi ko na napigilang yakapin siya.

"Sobrang saya ko nang malamang uuwi ka na. Hindi ko rin akalaing magkikita tayo sa kasal nila Aaron kaya ginawa kong pagkakataon 'yon para makausap ka, pero bigo ako dahil galit ka at tinaboy ako. Parang sinaksak ang puso ko noon, Mally."

"Shhh. You don't need to finish it. I understand now." Bulong ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likod. Hindi ko na rin mapigilang umiyak dahil sa mga nalaman ko. Ibig-sabihin ay kumpiyansa siyang kausapin ako noon? Bakit?

Ilang minuto kaming magkayakap nang kumalas siya.

"Sorry, Mally." Namumula pa ang kaniyang ilong mula sa pag-iyak.

Hindi ko akalaing iiyak sa harap ko si Rayleigh.

Ngumiti lamang ako sa kaniya at umayos sa pagkaka-upo.

"Thank you for listening to me, Mally. I hope you forgive me for what happened years ago."

"I forgive you now."

"Thank you. Hope we can still be friends?"

Napatingin ako sa kaniya at kita sa kaniya ang pag-asa. Tatanggapin ko ba? Wala naman sigurong masama kung magkaibigan kami, tutal ay ilang taon na rin naman ang dumaan.

"Yeah, sure." Pilit akong ngumti

Bumalik kami sa bar pagkatapos naming mag-usap. Mabuti na lang at hindi na siya lumapit pa sa akin pagkapasok. Hindi na rin ako uminom pa dahil sigurado akong hindi na makakapag-drive si Jess.

Natapos ang gabi ng masaya at magaan sa pakiramdam dahil sa naging pag-uusap namin. Marami pa sana akong itatanong kay Rayleigh ngunit hindi na siguro ito mahalaga.

Maybe I should forgive myself.

"Good evening, Architect Sadler!" bati ng katrabaho namin na si Engineer Clark. Kaharapan ko siya sa round table namin.

"Hi, Engineer!"

"Wala kang ka-date, Architect?" tanong niya at sumimsim ng wine.

"Wala, sir. I don't bring dates, I'm not interested, sir."

"Oh! So wala akong pag-asa sayo Architect?" nakangising tanong niya.

Bahagya akong natawa. "Naku! Wala akong panahon sa ganyan, Engineer."

"Sa ganda mong 'yan?"

Pekeng tawa na lamang ang iginawad ko sa kaniya dahil hindi na ako kumportable sa kaniya.

"Jess, let's go home?" tanong ko kay Jess sa aking tabi. Tumango siya at inalalayan siyang tumayo.

Nagpaalam na rin kami sa mga ka-table namin.

Inasikaso agad ni mommy si Jess nang makauwi kami, habang ako ay pumasok sa aking kwarto para makapag-bihis at dumeretso na sa kwarto ni Jess. Tulog na siya nang datnan ko siya.

Paano nagawang umiyak ni Rayleigh sa harap ko? Ganoon na lang ba kalalim ang sugat na iniwan ko nang umalis ako? Bakit? Wala naman siyang feelings sa akin noon at laro lang ang lahat sa kaniya.

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon