Shout out Aber!!! Thank you for your votes hekhek. Please support his YouTube channel, HHYStar. Subscribe and like his videos! Share my book to your friends! :)
Sino kaya ang dumukot kay Mally at Jake? At ano ang dahilan ng pagdukot sa kanila?
Abangan ang mga susunod na kabanata para sa mas exciting na mga pangyayari!
Chapter 32
"Yes, boss. Nakuha na namin siya." Rinig kong sabi ng lalaking naka-bonnet na may kausap sa cellphone.
Tiningnan ko kung nasaan ako ngunit hindi ko makita kung saan papunta ang closed van na ito dahil pati sa loob ay tinted.
"Hinabilin na po namin yung lalaki sa kaniya, siya na raw ang bahala." Si Jake ba ang tinutukoy niya?
"S-saan niyo ako dadalhin?" pilit at mahina kong tanong dahil hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako.
Bahagyang nagulat ang lalaki. "Sandali lang, boss. Nagising po si Ma'am." Nagmamadaling pinatay ng lalaki ang tawag.
"Pasensiya na kayo, Ma'am at napag-utusan lang kami." Sabi niya at may kinuhang panyo sa kaniyang bulsa at itinakip na sa aking ilong.
Wala na akong magawa 'kundi ang pumikit na lamang.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata habang nakasangga ang aking braso sa sikat ng araw. Laking gulat ko nang makitang nasa isang isla ako! Nakahiga ako sa isang sun lounger at nakasuot ng white bikini.
Napabalikwas ako at inalala ang mga nangyari. May kumidnap sa amin! Nasaan na kaya si Jake? Paano ako napunta dito at paanong naging bikini ang suot ko? Shit! Na-rape ba ako?!
Lumingon-lingon ako sa paligid ngunit wala akong makita kahit sino. Tumayo ako at naramdaman agad ang magaspang na buhangin sa aking talampakan.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makakita ng isang rest house na tingin ko ay ito lamang ang bahay sa isla na 'to. Yakap ang sarili dahil hindi ako sanay na magsuot ng bikini, pinagmasdan ko ito habang nakatago sa isang puno ng buko.
May mga nakapalibot ditong mga lalaki at base sa uniporme nila ay mga guwardiya sila.
Hindi nila ako pwedeng makita dahil sigurado akong sila ang kumuha sa akin! Agad akong bumalik malapit sa pinagmulan ko kanina at laking pasalamat ko ng may makita akong bangka!
Mabilis akong tumakbo patungo sa bangka at agad na sumakay. Hindi ako marunong magsagwan pero ito lang ang tanging paraan para makatakas! Nang makalayo ako ay may mga narinig akong sumisigaw na mga guards at tinatawag ako pabalik.
Bago pa ako makalayo ng tuluyan, 'tsaka naman umalon ng malakas dahilan ng pagtaob ng bangka. Agad akong ginapangan ng kaba dahil hindi ako marunong lumangoy.
"Tulong!" sigaw ko habang hinahabol ang hininga at pilit na itinataas ang sarili mula sa paglubog. "Please, help me!"
Mula sa malayo ay may narinig akong tunog ng makina. Bago ako tuluyang lamunin ng tubig ay may narinig pa akong bumagsak sa tubig.
Naramdaman ko na lamang na may pumulupot sa aking baywang at mabilis akong inangat. Habol habol ang aking hininga, agad kong nilingon kung sino ang tumulong sa akin.
Napaawang ang aking labi at nanlaki ang mga mata. Si Rayleigh na pulang-pula ang mga mata at sigurado akong galit na galit.
"S-sorry." Naiiyak kong sabi. Ramdam ko pa rin ang panginginig dahil sa nangyari. Muntik na akong malunod.
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us
RomanceSerendipity (n) finding something good without looking for it. Mallory Melody Sadler, isang babaeng introvert na puno ng kaguluhan ang buhay at hindi naniniwala sa romantic love dahil sa naging pakikitungo ng kaniyang ama sa kanilang pamilya, ang na...