Chapter 6
Pagkapasok ko sa kwarto ni mama ay nadatnan ko siya na inaasikaso ng mga doktor at nurse dahil nanginginig ang kaniyang katawan.
Kung ano-anong itinurok nila sa kaniya at sa dextrose niya.
Nanginginig ang aking tuhod habang lumalapit sa kaniya at unti-unting lumandas ang aking mga luha sa aking pisngi. Dahil sa paghikbi ako ay napansin ako ng isa sa mga nurse at nilapitan.
"Miss, sa labas na po muna kayo, kritikal po ang kondisyon niya ngayon. Tatawagan na lang po namin kayo 'pag ayos na po ang kalagayan niya." paliwanag ng nurse tsaka ako dinaluhan sa paglabas.
Paglabas ko ay naabutan ko si kuya na umiiyak rin, niyakap ko na lamang siya at ibinuhos lahat ng luha ko, kasabay nito ay ang aking hinanakit at galit sa aming ama na gumawa nito kay mama.
Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa kaniyang ginawa! Nag-aagaw buhay ang aking ina ngayon habang siya ay malayang nagagawa ang mga katarantaduhan.
Makalipas ng kalahating oras ay lumabas na ang mga doktor at nurse, habang ang doktor na kumausap sa akin kagabi ay nilapitan kami ni kuya.
"Stable na ang nanay niyo, nagka-seizure siya bunga iyon ng natamong pinsala sa kaniyang utak. Hindi pa natin alam kung kailan siya magigising. Pasensiya na." paliwanag ng doktor tsaka na tumango at tinapik si kuya sa balikat.
'Tila gumuho ang mundo ko sa narinig dahilan ng pagkahilo ko at pagkawala ng balanse at pagdilim ng aking paningin.
Naramdaman ko na lamang na sinalo ako ni kuya.
Nagising ako sa isang maliit na kwarto na tanging kulay asul na kurtina ang pumapagitan sa aking kwarto at sa iba pa.
Tatayo na sana ako nang gumalaw ang kurtina at iniluwal nito ang aking kuya na kita sa kaniyang mukha ang pag-aalala at pagod dulot ng mga nangyayari.
"Nahimatay ka kanina. Sabi ng doktor dahil iyon sa stress, kaya mabuti pang umuwi ka na muna at kami na ang magbabantay kay mama." paliwanag ni kuya habang kumukuha ng tubig sa lamesa at inabot ito sa akin.
Uminom muna ako bago nagsalita, "Sige kuya, pero bukas ng gabi ako naman ang magbabantay kay mama para makapag pahinga naman kayo ni ate" tsaka na tumayo at sinuot ang aking sapatos, ngayon ko lang napansin na naka-uniporme pa pala ako.
"Hindi na. Nagpresenta na sila tita na kukuha ng magbabantay kay mama dahil hectic ang schedule nating lahat. Dadalaw kami araw-araw para ma-check ang kondisyon ni mama." paninigurado ni kuya sa akin at ngumiti.
Naghapunan muna kami ni kuya sa karenderyang malapit sa hospital at hinatid na ako sa bahay gamit ang mini van nilang naipundar nila ni ate matapos ng kasal nila.
Alas-dyes na ng gabi nang nakauwi kami.
Bago pa siya nagpaalam na babalik sa hospital para magbantay kay mama ay may sinabi siya, "Siya nga pala, hinahanap na ngayon si papa dahil sa ginawa niya kay mama. Hindi pa siya nakikita kaya mag-ingat ka, baka kung anong gawin niya sayo." paalala ni kuya at hinalikan ang aking noo bago pumasok ng van at umalis.
Gumaan ang pakiramdam ko sa kaniyang ginawa, kahit papaano ay may kasama ako sa pagsubok na 'to
Naghilamos muna ako at nag-review para sa quiz namin bukas sa Pre-Calculus.
Pagkatapos kong mag-review ay chineck ko muna ang cellphone ko kung may mensahe ba sakin si Maybelle sa facebook, ngunit wala. Siguro ay busy din ito.
Matapos kong mag-alarm dahil wala si mama para gisingin ako, itatabi ko na sana ang aking cellphone nang biglang nag-notify ang isang friend request sa aking screen.
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us
عاطفيةSerendipity (n) finding something good without looking for it. Mallory Melody Sadler, isang babaeng introvert na puno ng kaguluhan ang buhay at hindi naniniwala sa romantic love dahil sa naging pakikitungo ng kaniyang ama sa kanilang pamilya, ang na...