Chapter 33

33 11 0
                                    

Shout out Pammm!!! Thank you for your support :) ang ganda mo po huhu, sana all xD love lots! <3

Makakaalis pa kaya si Mally sa isla? O tuluyan na siyang lalamunin ng kaniyang mga tanong tungkol sa mga nangyayari? Tuluyan na rin bang bibigay ang kaniyang puso?

Abangan pa ang mga susunod na kabanata para sa mas exciting at kilig moments ng dalawa!

Chapter 33

Hindi ko na namalayang nakatulog ako sa sun lounger, pagabi na rin pala dahil halos hindi ko na makita ang papalubog na araw. Gusto ko mang magtampisaw sa dagat pero bukas na lang siguro. Nagpasya na lang akong bumalik na sa rest house dahil baka hinahanap na ako ng mga guards.

"Magandang gabi, Ma'am." Bati ng isa sa mga guards sa akin nang makapasok ako sa gate.

"Magandang gabi rin po. Nakaalis na po ba si Rayleigh?" tanong ko.

"Opo, Ma'am. Tumawag po siya kanina kaso natutulog po kayo, hinabilin po niya na kumain na kayo at matulog ng maaga." Papasok na sana ako ngunit may naisipan pa akong itanong.

"Nasaan tayo ngayon, manong? Kanino ang bahay na 'to?"

"Nasa isang isla po tayo, Ma'am. Kay Sir Rayleigh po ang islang ito at ang rest house." Tumango na lamang ako at pumasok na sa loob ng bahay dahil tingin ko ay wala akong makukuhang sagot sa mga tao dito.

Hindi ko rin tuloy maiwasan na maging proud sa kaniya dahil sa layo na ng narating niya.

Ang kapal din ng mukha ng lalaking 'yon! Pagkatapos niya akong kidnapin ay iiwan lang ako dito at tanging kasambahay at guards lang ang kasama! Hindi man lang sinabi ang dahilan kung bakit ako nandito!

Padabog akong dumeretso sa kusina dahil ramdam ko na ang kumukulo kong tiyan.

"Oh! Mally nandiyan ka na pala." Si manang. Tipid lamang akong ngumiti sa kaniya.

Nakasimangot kong pinapanood ang paghain ni manang, beef steak ang ulam ngayon kaya naman lalo akong natatakam.

"Ang sarap talaga ng luto mo, manang." Sabi ko pagkatapos kumain dahil talagang nabusog ako.

Bahagyang siyang natawa habang nilalagyan ng tubig ang aking baso. "Naku, salamat! Akala ko ay nakalimutan mo na ako!"

"Syempre hindi po kita makakalimutan. Ang tagal niyo na pong nagtatrabaho 'kila Rayleigh, ano?"

"Oo. Bata pa lang si Rayleigh ay namamasukan na ako sa kanila kaya parang anak ko na rin siya." Nakangiting sagot ni manang.

Magsimula bata? Ibig-sabihin ay baka may alam siya sa nangyari sa pagitan ng mom at dad ni Rayleigh! Pero pangit naman sigurong itanong 'yon dahil masyadong personal.

"Manang ayos lang po bang magtanong tungkol kay Rayleigh?" nag-aalala kong tanong.

"Oo naman."

"Naka-ilang girlfriend na po si Rayleigh? Totoo rin po bang magkababata sila ni Olivia at dapat ay ikakasal sila?" Nilapag muna ni manang ang pitsel 'tsaka umupo sa aking tabi.

"Sa pagkakaalam ko, wala pa. May mga nakaka-date siya pero hindi natutuloy sa girlfriend. Magkaibigan ang pamilya nila Rayleigh at Olivia at uso sa pamilya nila na ang mga magulang ang pumipili sa mapapangasawa ng kanilang anak para sa ikabubuti ng mga kumpanya nila." Paliwanag ni manang.

It makes sense now. Kaya pala kahit na halatang may gusto si Olivia sa kaniya at botong-boto ang kanilang mga magulang, pilit pa ring humindi si Rayleigh sa kasal. Maybe he wants to end that kind of belief in their family.

"Manang, kung hindi po natuloy ang kasal, ibig-sabihin ay bumagsak ang kumpanya nila?" tanong ko ng buong pagtataka.

"Oo, bumagsak ang kumpanya nila dahil umurong si Rayleigh sa kasal nila ni Olivia." Talagang umurong siya sa kasal? Pero bakit pilit na sinasabi ni Olivia na fiance niya pa rin si Rayleigh? Matutuloy na ba ang kasal ngayon?

"Kanino naman po ang Malden Indutries kung sa 'ganon?"

"Kay Rayleigh ang kumpanya na 'yon, anak. Tinayo niya 'yan tatlong taon pagkatapos mong umalis."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni manang. Ibig-sabihin ay bago pa siya gumraduate ay may sarili na siyang kumpanya!

"Noong umalis po ba ako, may mga dinala siyang babae sa bahay nila?" kuryoso kong tanong.

Ngumiti ng makahulugan si manang. "Wala, Mally. Ikaw pa lang ang nakita kong babaeng dinala niya sa bahay nila at doon ko pa lang siya nakitang nag-alala para sa isang babae maliban sa mommy niya." Parang may humaplos sa aking puso.

"Nasaan na po ba ang mommy niya ngayon?" tanong ko, tutal ay nasabi na rin naman ni manang.

"Ang alam ko ay nasa States, kasama ang kaniyang kapatid."

"Bakit po hindi siya nag-stay dito sa Pilipinas? Hindi ko pa kasi siya nakita kahit noong nakatira ako sa kanila."

"Naghiwalay na ang mommy at daddy ni Rayleigh bata pa lang siya. Kaya naman pinipilit ng dad niya na ipakasal siya kay Olivia dahil ito ang tingin niyang makakapag-salba sa kumpanya nila dahil noong iwan sila ng mommy niya, masyadong naapektuhan ang dad niya." Malungkot na ngayon ang ekspresyon ni manang.

Bata pa lang? Kaya siguro ayaw sa commitment ni Rayleigh dahil takot siyang maiwan at maloko. Ganyan naman talaga 'e. A person's principle is changed and affected by their experiences in life. Pareho kami, dahil sa ginawa ni papa ay muntik na akong hindi magmahal.

"Bakit po pala iniwan sila ng mommy niya?"

"Gusto ko mang sabihin 'sayo pero wala ako sa lugar na sabihin 'yan dahil masyadong personal kay Rayleigh ang bagay na 'yan."

Tama nga si manang wala ako sa lugar na magtanong tungkol sa bagay na 'yan dahil magkaibigan lang kami ni Rayleigh. Parang may kumirot sa aking puso.

"Sige, manang. Salamat po sa oras niyo. Pasok na po ako sa kwarto." Nagmamadali kong paalam sa kaniya dahil pakiramdam ko ay bubuhos na ang mga nagbabadya kong luha.

Pagkapasok ko sa kwarto ay sabay ng pagpatak ng aking mga luha. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at niyakap ang unan.

Bakit lagi na lang ganito? May mga bagay na hindi ko maintindihan pagdating kay Rayleigh.

Kung dati ay si papa ang nagpapa-iyak sa akin, ngayon naman ay siya.

Pilit niyang pinaparamdam sa akin na importante ako pero bakit parang may kulang? Bakit ang hilig niyang paglaruan ang damdamin ko at iiwan akong nakabitin? Hindi ko rin maintindihan ang puso ko, kahit ilang beses na akong nasaktan dahil sa kaniya ay pilit pa rin akong umaasa.

Sa kaniya lang ako nagkaganito.

Nang maubos ang aking mga luha ay nagpasya akong maghilamos at magpalit ng damit pantulog at pilit na hindi isipin ang nararamdaman.

Habang tumitingin ako ng pamalit sa closet ay hindi ko maiwasang tingnan ang mga gamit niya. Maayos ang lahat at tulad ng dati, halos white t-shirt ang mga pambahay niya. Siguro kaya hindi ko siya makalimutan dahil bawat maliit na detalye sa kaniya ay kabisado ko kaya lahat na lang ng bagay na nakikita ko ay naaalala ko siya.

Naisipan ko ring maghanap ng gadget ngunit wala akong nakita. Talagang kinulong ako ng lalaking 'yon dito. Ano bang balak niya sa akin?

Hindi ko rin alam kung sa kama ba ako matutulog o sa sofa dahil hindi naman 'sakin ang kwarto na ito. Sa bagay, siguro ay sa kama na lang muna tutal ay wala naman siya?

Humiga ako sa kama at binalot ang katawan sa comforter. Hinayaan ko ang aking sarili na dalawin ng antok.

Sana paggising ko ay mawala na ang sakit na nararamdaman ko at makalimutan ang mga taong pilit akong sinasaktan. Pero paano kita makakalimutan kung sa bawat pagkakataon ay ikaw ang naiisip ko?

You're driving me crazy, Rayleigh Malden.

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon