Chapter 13
Nagising ako dahil sa pagbukas-sara ng pinto. Idinilat ko ang aking mga mata para malaman kung nasaan ako.
Bigla kong naalala ang ginawa ko sa aking sarili. Napangiti ako ng mapait at napaluha.
Bakit hindi pa ako nawala? Wala na rin namang saysay ang buhay ko.
Dinaluhan agad ako ng isang nurse at tumawag sa mic na nasa gilid ng kama.
"Doc, gising na po ang pasyente." sabi ng nurse habang pinipigilan akong tumatayo.
"Ma'am, 'wag muna po kayong tumayo. Baka dumugo ang sugat niyo."
Tiningnan ko siya at tumingin sa aking kamay. Nakabalot ito ng bandage at may kaunting dugo pa ito. Sa kabilang kamay ko naman ay may nakatusok na dextrose.
Pilit kong inaalis ang mga nakatusok sa akin at ang nakatakip sa aking sugat, ngunit mapilit ang nurse kaya naman tinulak ko siya.
"Please, hayaan niyo na ako! Gusto ko nang magpahinga! Pagod na pagod na ako!" sigaw ko at tuluyan nang inalis ang mga nakakabit sakin.
Agad tumulo ang dugo sa aking braso at sa ngayong pagkakataon ay naramdaman ko ang hapdi.
"Dok! Nagwawala ang pasyente! She's out of control. Please come here immediately, she's bleeding!" narinig kong sigaw ng nurse sa mic.
Pumikit ako habang umiiyak at dinadama ang bawat agos ng dugo. Gusto ko nang sumuko sa aking buhay. Ayaw ko na.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwan nito ang mga doktor na agad akong inasikaso at sa likod nila ay nakita ko si mama na nakatayo at malungkot ang mga mata. Umiling-iling ito na para bang sinasabing 'wag ituloy ang aking balak. Nagha-hallucinate na siguro ako.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa aking sarili.
Ibinagsak ko na lamang ang aking katawan at nagpa-ubaya.
---
Rayleigh's POV
Nagda-drive ako ngayon papuntang hospital pagkatapos ng klase para mabisita si Mally sa hospital.
Habang nagmamaneho ay nag-ring ang aking cellphone.
"Sir Rayleigh, gumising na si ma'am Mally kanina, pero nawalan ulit ng malay dahil inalis niya ang benda sa kaniyang pulso." si Banjo, isa sa mga guards na pinag-bantay ko kay Mally.
"Sige. Papunta na ako. Diyan ka lang at 'wag mo siyang iiwan!"
Binilisan ko agad ang takbo ng sasakyan para makarating agad sa hospital.
Pagdating ko ay sinalubong agad ako ng doktor sa pinto ng kwarto ni Mally.
"Rayleigh, stable na siya. Kailangan lang niyang magpahinga dahil masyadong maraming nawalang dugo sa kaniya." Paliwanag ng doktor.
"Salamat, doc." Sabi ko tsaka na pinihit ang pinto.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang natutulog ng mahimbing si Mally. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod dahil sa mga nangyari.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang maamo niyang mukha. Nilapitan ko siya hinaplos ang kaniyang pisngi. Bahagya siyang gumalaw at dumilat. Kita sa kaniyang mga mata ang pagka-antok.
Ngumiti ako at hinalikan ang kaniyang noo. Ngumiti rin siya pabalik.
"Sorry. I will never do that again. I saw my mom before I lost consciousness, parang sinasabing 'wag akong sumuko." Bulong niya at tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Pinalis ko ang kaniyang mga luha gamit ang aking hinlalaki. "Shhh. Don't cry, baby. I'm always here for you. I won't leave you." Bulong ko sa kaniya.
"Thank you, thank you." Paulit-ulit niyang sagot at yumakap sakin.
Niyakap ko siya pabalik hanggang sa unti-unti na lang bumagsak ang mga braso niyang nakahawak sa aking batok.
Nakatulog na siya. Kaya tinawag ko ang doktor at sinabing nagising na si Mally ngunit nakatulog ulit.
"That's okay. Nakatulog lang siya dahil sa mga gamot. Ang maipapayo ko sayo, Rayleigh ay 'wag mong siyang iiwan na mag-isa. Marami na kaming naging pasyente na nag-attempt na wakasan ang buhay dahil sa mga problema. Kailangan niya ng masasandalan, anak." Payo ng doktor tsaka tinapik ang aking braso bago lumabas ng kwarto.
Humiga muna ako sa sofa para umidlip habang hinihintay siyang magising.
Ilang minuto pa lang ako natutulog ay nag-ring ang aking cellphone kaya tumayo ako at lumabas ng kwarto para masagot ang tawag ni dad.
"Yes, dad."
"Where are you? Are with that girl?" sunod-sunod na tanong ni dad sa kabilang linya.
"Yeah, I just checked on her. Why, dad?"
"This is your chance to break her. Don't loose this chance, Rayleigh. I'm counting on you." Matigas na sabi ni papa at pinatay ang tawag.
Hindi ko alam kung sino ang susundin ko. Ang pamilya ko o si dad? Utak o puso?
Unti-unti na akong nahuhulog kay Mally. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit.
Dapat ay magalit ako sa kaniya dahil ang ama niya ang dahilan ng pagkasira ng aming pamilya. Pero parang lumambot ang bato kong puso nang makita siyang nahihirapan rin dahil sa kaniyang ama.
Bago pa ako pumasok sa loob ay nakita ko ang kuya niya na parating.
"Rayleigh! Diyos ko! Salamat at tinulungan mo si Mally. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung pati siya mawala pagkatapos mawala ni mama." Salubong ni Kuya Marlon.
Tumango lamang ako. Imwinestra ko sa kaniya ang pinto at hindi na muna siya sinundan.
Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na ito.
"Maraming salamat talaga, Rayleigh."
"Wala 'yon kuya. She's a friend of mine, I won't let this happen again."
Ngumiti siya. "Nililigawan mo ba ang kapatid ko?" bigla niyang tanong kaya napa-awang ang bibig ko at hindi agad nakasagot.
"A-aa-ye-no! I told you she's just my friend." Palusot ko at tumawa ng peke.
"Naku! Huwag mo nang i-deny! Hayaan mo at susuportahan ko kayong dalawa. Pero mangako ka sakin." Seryoso ang kaniyang tono.
"What is it?"
"Wait until she finished her studies and be a successful woman. That time, I'm sure she's already grown up and knows how to handle relationship. I want her to be a woman, and be a man for her." Tsaka niya tinapik ang aking balikat at umalis nang hindi pa ako nakakasagot.
Is this a sign that I need to follow my heart? Should I fight for her?
What about my dad? Should I explain to him that leave it all in the past and forgive? Besides Mally doesn't know anything about this.
Damn! I don't know what to do! All I know is I need to protect her until my last breathe. I'm loosing my mind because of her!
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us
RomanceSerendipity (n) finding something good without looking for it. Mallory Melody Sadler, isang babaeng introvert na puno ng kaguluhan ang buhay at hindi naniniwala sa romantic love dahil sa naging pakikitungo ng kaniyang ama sa kanilang pamilya, ang na...