Flowers

22 1 0
                                    

"Shana ilabas mo muna tong basura." Utos sa akin ni tita at inabot ang supot na may katamtamang laki.

Kakabukas ko lang nang gate nang-

"Good evening" bati niya sa akin

"Uy Ken? Ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang" ngiti niya at kinuha ang supot na dala-dala ko at nilagay sa gilid nang pader...

"For you...." Abot niya sa akin nang tatlong pirasong  white roses na nakatago pala sa likuran niya. Dahil sa gulat naituro ko nalang ang sarili ko na parang sinasabi kong "para sa akin? Weh?".... Tumango naman siya, kaya tinanggap ko nalang.

"T-thanks.... " matapos ko siyang pasalamatan ay tinitigan ko siya nang napaka seryoso. Baka kasi ponagtritripan na naman niya ako. "Teka nga Ken. Noong isang araw? Tungkol sa bulaklak? To-"

"Kung para sayo talaga yun?" Patuloy niya. "It's for you..." Ngiti pa niya

"Ah! Pero bakit?" Tanong ko sa kanya

"Bakit? Masama bang magbigay nang bulaklak?"

"Hindi naman sa ganun, ano kasi.... Nakakapagtaka lang naman. Hehe"

"You're special. Simple as that.!"

"Ha-ha... Eh ano naman ang ibig sabihin nito?" Taas ko sa roses na ibinigay niya.

"I don't know exactly. Haha" Tatawa-tawa pa niyang sagot.

Araaay ko! Pinag tritripan na naman niya ako. Akala ko pa naman. Ay ewan.

"Ganun? Maghanap ka nga nang ma aasar mo." Tulak ko sa kanya at dali- daling isinara ang gate. Ngunit bago ko masara ang gate ay nahuli niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya.

Dug dug dug dug dug "H-hoy k-ken!" Hampas ko sa bisig niya at kaagad lumayo.

"Ahaha! Wag ka munang pumasok may sasabihin pa ako."

Nak nang! Makahila naman kasi! Kinakabahan tuloy ako sa kanya. Hinga muna nang malalim Shan!

"Eh ano ba kasi yun? Tsaka pwede ba? Wag kang manghila. Nakakagulat ka naman kasi." Naiinis kong litanya sa kanya

"Affected? Haha"

"Anong affected?"

"Hahaha. Nevermind! I'll fetch you tomorrow morning. Sabay na tayong pumasok"

"Hah?"

"Pumasok ka na't gabi na. Ang slow mo!" Tulak niya sa akin papasok sa gate na kanina pa nakabukas.

"T-teka lang! Makatulak lang hah? Eto na nga oh, papasok na po. Tsk"

"Good! Good night!" Dali-dali din siyang sumakay sa motor niya at pinaharurot ito.

"Teka nga? Anong sabay kami? Anong slow?"

Ang labo talaga nang lalaking yun. Hindi pa pala ako nakapag good night sa kanya. Matext nalang nga.

Pagkapasok ko kaagad sa room ko ay kinuha ko ang cp ko at tinext si Ken.

good night :)

"Nak nang. Bakit may smiley? Delete....."

Good night

Ok na yan. Baka ano pa isipin nun pag nilagyan ko nang smiley.

Sweetness of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon