"Hoy.........."
"Ano ba Ken? Ang aga aga nang aasar kana naman."
"Haha.... Wala pa din sila? Ang tagal hah?"
Bakit ba kasi nangdito to? Eh kung sa bhay nila siya naghintay. Inaantok pa naman ako. Nasaan na kasi sila? Kanina pa kami naghihintay dito sa bahay eh. Ang kulit pa nang lalaking to.
"Nami........" Wag kang lilingon Shan. Wag na wag kang lilingon. "Psssst nami" wag na wag na wag Shana. "Ang ganda mo sa umaga." Anak nang! Pigilan mo yang mga ngiti mo Shana. "Ang bango mo pa." Hayaan mo na siya. Nangungulit lang yan. "Here." Tuluyan akong napalingon sa kanya nang makita ang inabot niya. Mga tulips gawa sa kulay pulang papel. Tiningnan ko siya at ganun pa rin, isang nakangiting Ken ang nakaharap sa akin.
"Ano yan?" Mapagtripan nga ito.
"Papel. Try mong kainin!" Napaka talaga nang lalaking ito.. Napaka bipolar pa.
"Akin na. Titikman ko. Siguraduhin mong masarap to hah?" Akala niua siguro hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya. Nakakatawa na yung mukha niya. Naiinis na yan panigurado. Haha
"Ewan ko sayo! Halika ka na nga sa labas nalang tayo maghintay." Napaka bipolar talaga nng lalaking to. Kanina lang sobrang kulit ngayin naman ang suplado. Nagpahila nalang ako sa kanya at dinala ang mga bag namin.
Di rin nag tagal ay dumating na sila. Halos kumpleto na ang barkada at wow, nangdito din si Iza.. Kung hindi ko lang alam ang totoo baka hindi na ako sumama ngayon..
Tahimik lang kami buong biyahe at di rin nagtagal ay nakatulog na ang lahat except....... Sa amin.... Sino pa nga ba ang tatabi sa akin eh di itong kumag na to.
"Nami. Yo can use my shoulder if you want to." Sabi niya at biglang nag smirk... Tssss.... Ang labo tlaga nang lalaking to. Hanggang ngayon namimilagro parin ako sa ugali niya. As far as I remember, in born na talaga ang pagiging suplado niya pero noong mag kaaway pa kami eh sobrang kulit niya, di nagtagal naging sweet, at ngayon? Sobrang matampuhin... Tssss... Iba din tong lalaking to eh. Pasalamat siya mah- este magkaibigan kami.. Tssskk
"Hindi na. Okay lang naman ako sa posisyon kong ito." Ngiti ko sa kanya at pumikit na para hindi na siya magpumilit.
**********
"Get the cam."
"Ssshhjh.... Quiet! Baka magising sila. Sayang ang moment."
"Nakakainggit naman."
"Tsss. Hayaan niyo na kasi...."
Aarrrghhj... Ang ingay-ingay naman natutulog pa ako eh..
"Ano ba?" Tabon ko sa mata ko dahil sa ilaw or let's say dahil sa flash nang camera? Napatitig ako sa mga mukha nang mga kaibigan ko at ganun din sila sa akin.
"What the!" Inis na sabi ni Ken na ngayoy nagising na din. "What are you doing guys?" Tanong niya sa kanila.
Bakas naman sa kanilang mukha ang taranta.palipat-lipat nang tingin at biglang nagsialisan.. Alam kong kinuhaanan nila kami nang litrato. Ganun ba naman ang posisyon namin ni Ken sino pa ang hindi matetemp na kunan kami nang litrato. Napangiti nalang ako nang maalala kanina ang posisyon namin. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya at yung ulo naman niya ay nakapatong sa akin.
"Sweet!"
"What are you saying Nami." Nagtatakang tanong sa akin ni Ken. Nak nang! Nasabi ko ba talaga yun? Shems!
BINABASA MO ANG
Sweetness of Love
Teen FictionMinsan ka nang nasaktan at binuksan mo ang puso mo sa kanya dahil sa isang pangako. Pangakong napako! Kaya mo pa bang magmahal? Yung tipong bubuksan mo nman ang puso mo? Pero paano? Sabi nga nila life is a matter of choice not a matter of chance and...