"Shana! Shanaaaa... Shanaaa....." Ano ba yan? Inaantok pa ako eh.
"Tita.. M-maya na po."
"Gumising kana dyan at may bisita ka!" Pagyuyugyog sa akin ni tita.
"Eeeehhh... P-pkisabi nalang po balik nalang siya mamaya." Inaantok kong sagot sa kanya.
"Kanina pa naghihintay si Vince. Bumangon kana't maligo at may pupuntahan daw kayo."
"Si Vince po?" Dali-dali naman akong bumangon.
"Bingi? Tsss. Malego ka na't nakakahiya sa bisita."
Nak nang. Ano ba nakain nang lokong yun at biglang nagpakita.
"Pakisabi nalang po sandali lang to at maliligo lang ako." Kuha ko nang towel at tumakbo papuntang banyo.
*****************
"Shana!" Yakap sa akin ni Vince pagbaba ko nang hagdanan.
"T-teka lang.. Atat kana niyan? Tsk. Hoy lalaki bakit ngayon kalang nagpakita? Hah?" Sigaw ko sa kanya
"Chill lang Shana. May inaasikaso akong papeles at tsaka nag day off pa ako para lang makabawi sayo noh?"
"Bla bla bla bla bla! Reasons.com Vince! Reasons.com."
"Alam mo kasi Shana namimiss mo lang kasi ako. At dahil diyan eh lalabas tayo para sulit naman " akbay pa niya sa akin.
"Wag ka nga. Makapag aya ka akala mo makakasama talaga ako hah?"
"Syempre naman! Ikaw lang naman yung hinihintay ko eh."
"Hah? Oh eh di, tara na.!" Nangunguna kong labas sa bahay
"Tsss.. Manhid mo!"
Mahsgsbjgg...ano daw? "May sinasabi ka Vince? " tanong ko sa kanya
"Sabi ko, tara na at baka ma traffic pa tayo." Nauna na siya sa akin at pumasok sa loob nang kotse.
"Ano nangyari dun?" Sira ulo talaga ang lalaking ito. Pumasok na rin ako at inayos ang seatbelt ko.
"Nangyari sa chill chill mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw kasi!" Eh? Ano raw? Anong kinalaman ko sa pagmamaktol niya?
"Alam mo Vince ang labo mong kausap."
"Tss!" Yun lang ang sinagot niya at inistart na ang sasakyan.
*****************
"Nangdito na ba tayo?" Tanong ko kay Vince pagkagising ko
"Oo, baba kana at may kukunin lang ako sa likod." Pagtigil niya sa sasakyan at bumaba na.
"Woah!" Amazing. Ang ganda nang view. Lumabas na ako nng sasakyan at lumapit sa malaking puno
"Shan be careful, remember were on the top of the mountain." Natatawang sigaw ni vince sa akin.
"Hmmmmnn" ang sarap. Napakalamig na hangin. "fresh air" napangiti ako dahil sa ganda nang view na nakikita ko at sa mga malalaking puno na kinatatayuan namin. "Vince, paano mo natuklasan ang ganito kagandang lugar?" Nilapitan ko siya at tinulungan sa dala niya.
"Because of my mom?"
"Your mom? Bakit patanong?"
"Coz I accidentally saw this place because of mom. It was midnight when I left the house. Nag away kasi kami noon at dahil sa sama nang loob napadpad ako rito." Nakangiti niyang sabi at umupo na sa nakalapag na carpet.
BINABASA MO ANG
Sweetness of Love
Ficção AdolescenteMinsan ka nang nasaktan at binuksan mo ang puso mo sa kanya dahil sa isang pangako. Pangakong napako! Kaya mo pa bang magmahal? Yung tipong bubuksan mo nman ang puso mo? Pero paano? Sabi nga nila life is a matter of choice not a matter of chance and...