Ding dong ding dong...Napaigtad naman ako nang biglang tumunog ang doorbell namin..
"Sino kaya to?" Bumaba naman ako at lumabas nang bahay upang tingnan kung sino man iyon.
"surprise! " A-anong ginagawa nila dito?
"sorry medyo late na kami. Ang kupag kasing magbihis ni Joy eh." Naiinis na explain ni Zee.
"Eh kasi naman hinahanap ko yung tshirt na may design na rabbit." -Joy
"T-teka anong ginagawa nyo dito? Hatinggabi na ah?" Tanong ko sa kanila.
"Overnight" sabay naman nilang sagot.
"A-anong overnight? H-hoy linawin niyo nga?" Pigil ko sa kanila habang pumapasok sa gate.
"We decided to celebrate our anniversary here. Para naman magkasama tayo." - joy
"At syempre, hindi kumpleto ang ating overnight kapag walang pagkain at wine" paliwanag ni Zee dala ang isang cake at wine.
"Wow! As in wow! Ayos din trip nyo noh? Sana nman nag text muna kayo." Pagmamaktol ko sa kanila. Tssskk. Mga sira ulo talaga!
"Get inside girls." What the fudge? Anong ginagawa niya dito?
"D-dito ka din m-matutulog?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo siya.
"Tsssss.." Langya! Ang hirap talaga intindihin ang lalaking to. Napakabipolar.
Pumasok na nga sila sa bahay at nakasunod lang si Ken dala dala ang dalawang supot.
"Wala paring nagbabago dito sa bahay nyo Shan." -Zee
"Oo nga! Shan akyat na ako sa kwarto mo hah? Hihi." Paalam naman ni Joy at umakyat na nga sa taas.
"Sama ako Joy." Pahabol naman ni Zee.
"Tsss. Kahit kailan talaga! Huwag niyong guluhin mga gamit ko!" Sigaw ko sa kanila at hinarap si Ken na ngayo'y nakaupo na sa sofa.
"What?"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"I'm going home. Hinatid ko lang mga kaibigan mo dahil walang driver sina Joy."
"Weeh? Nandyan naman ang kuya ni Zee ah? Tanong ko ulit sa kanya at tinabihan siya sa sofa.
"Ayaw daw. Nagpapahinga na kasi. Ikaw? Anong klasing damit yang sinusuot mo?" Tanong niya na hindi man lang ngumingiti.
Syete! Kainis nakalimutan kong maglagay nang jacket. Nakakahiya naman. Kinuha ko kaagad ang pillow na nasa sofa at yinakap ito.
"Tssss."
Nagulat naman ako nang kinuha ni Ken ang jacket niya at pinulupot sa akin.
"Sa susunod wag kang lalabas nang kwarto mo kung ganyan ang suot mo." Pagsesermon niya pa.
Natahimik nalang ako. Eh kasi naman biglaan kasi. Tssskk.. Na sermonan pa tuloy ako.
"Uwi na ako." Sabay tayo niya.
"A-ah, hatid na kita sa labas."
"Wag na. Dito kana lang."
"E-eh k-kasi walang m-magsasara nang gate."
"Tsss."
Ano ba ginagawa niya? Kinuha niya ang cellphone niya at may de-nial.
"Get down! NOW" Utos niya sa kausap niya sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Sweetness of Love
أدب المراهقينMinsan ka nang nasaktan at binuksan mo ang puso mo sa kanya dahil sa isang pangako. Pangakong napako! Kaya mo pa bang magmahal? Yung tipong bubuksan mo nman ang puso mo? Pero paano? Sabi nga nila life is a matter of choice not a matter of chance and...