"Oh ba't ang aga mong magising eh mamaya pa naman ang alis nyo ah?" Tanong ni tita na halatang nagising sa basong nabasag ko.
"Mag aayos pa po kasi ako nang mga dadalhin ko." Pagsisinungaling ko sa kanya dahil kagabi plang ay naisaayos ko na ang mga maleta ko. Ang totoo kasi nyan eh hindi ako nakatulog dhil na nman kay Ken. Masyado na atang nagugulo ang buhay ko dahil kay Ken eh..
"Hala ayusin mo na yang binasag mo akala ko pa nman pinasok na tayo nang magnanakaw. Nasa mesa ang allowance mo at isara mo nang maayos ang pinto pag aalis mo." Bilin sa akin ni tita at bumalik ulit sa kwarto nya.. niligpit ko na ang nabasag na baso at nag timpla ng maiinom.
..................................................
.....for you and I would never leave your side. If you're with me then I'm with you I'd be always down to ride. You're not sure if you can trust me well I aint telling you to. We can be friends if you want. I just wanna be next to you.........
Bestfriend Zee calling
"yes?" Tinatamad kong sagot..
"Good morning too.. kakagising mo lang?"
"Sana nga... haist!"
"Sana nga? Don't tell me na hindi ka man lang natulog?" Parang naiinis na sabi ni Zee. "Insomnia na nman ba? something is bothering you? Or softdrinks?"
"Wala! Hindi lang dinalaw nang antok. Dadaanan mo ba ako?"
"Yes. In 10 minutes. Bye." Salamat naman at tinapos niya kaagad ang usapan. Binaba ko na ang maleta ko at isang back pack kung saan nakalagay ang mga importanting gamit na gagamiton ko sa pag travel at konting pagkain..
Nakaupo lang ako sa sofa nang marinig ang busina nang sasakyan nina Zee at dali daling lumabas.. sinalubong naman ako ni Zee na halatang excited at tinulungan din ako ni kuya Matt sa maleta ko. Si kuys Matt ang nag iisang kuya ni Zee at ngayon ay nagtratrabaho sa ibang bansa.
"Kelan ka pa dumating kuya?" Tanong ko hbang nag byabyahe na papuntang school.
"Yesterday. Wala kasing maghahatid sa babaeng to kaya no choice kahit medyo may jetlag pa."
Natawa nalang ako kay kuya. Ang sweet nya kasi at ex' crush ko pa kasi siya. Hihi
"Kuya naman eh. Bilisan mo nlang kaya pra makapagpahinga kna sa bhay." - Zee
"Bla bla bla bla Zee Marie" nakakatuwa talaga ang magkapatid na ito.. haaayyy nakakamiss tuloy ang kapatid kong napaka suplado..
Pagdating sa school ay nandoon na din ang mga bus na sasakyan namin. Pinapasok na kaagad kami dhil ilang minuto nlang ay aalis na din kaming lahat..
"Bestfriends dito tayo." Pag aaya sa amin ni Joy na sumisigaw pa talaga..
"Ang ingay mo Joy." saway ko sa kanya. At umupo na sa tabi niya..
"Aaarrrghhhh.. dito ako uupo?" Pagrereklamo naman ni Zee. "Dito ka Joy oh para kitang kita mo yung crush mo.. katapat ko lang siya oh." Turo pa niya sa schoolmate namin na natutulog sa kabilang upuan nang bus.. sa tatluhan kmi na side nang bus nakaupo. Dali dali namang tumayo si Joy at umusog naman ako sa may bintana at nasa gitna na si Zee umupo.
"Haha. Basta talaga lalaki ang pinag uusapan ang bilis ni Joy noh?" Natatawang bulong sakin ni Zee.
"Wala na tayong magagawa dyan. Malay natin si Timothy na ang makapagtitino sa babaeng yan." Bulong ko din sa kanya na natatawa nadin.
BINABASA MO ANG
Sweetness of Love
Teen FictionMinsan ka nang nasaktan at binuksan mo ang puso mo sa kanya dahil sa isang pangako. Pangakong napako! Kaya mo pa bang magmahal? Yung tipong bubuksan mo nman ang puso mo? Pero paano? Sabi nga nila life is a matter of choice not a matter of chance and...