Chapter 2

18 0 0
                                    

》CHAPTER 2: HIS NAME《

"Saan ka nahihirapan?" He asked pagkaupong-pagkaupo namin sa library table

"Lahat" i said out of nowhere kaya napatingin siya sakin

"Huh?"

Bakit ko ba nasabi yun? Wala ka nanaman sa sarili Bianca

Napailing ako at ngumiti nalang "I mean Math, Chem and Bio " i said

Puro bagsak ako diyan kasi naman talagang mahirap ang lesson. Hindi ko nga alam kung bakit kapag nag lelesson si prof ay nakukuha ko pero pag nag pa quiz na , hindi ko na alam kung papano mag solve

Inilabas niya ang mga libro and notes niya at nag utos na ganun din gawin ko

I reached for my bag at kinuha ang kailangang gamitin including yellow paper and a pen

Sinimulan na niya ang introduction at pinaliwang sakin ang pinaka unang topic regarding ngayong second quarter

Inuna niya muna ang mathematics kasi dun ako pinaka mababa. Nailatag na niya lahat ng formulas at inisa isa iyon sakin

Lahat naman nauunawaan ko pati na din ang mga basics kaya hindi na siya nahirapang magpaliwanag

Pansin kong masyado siyang seryoso sa pagtuturo sakin. I wonder kung may kapalit ito?

Argh! Malamang Bianca! Hindi naman yan magtiyatiyaga sayo kung walang nakukuha

Nalungkot ako bigla dahil sa naisip. Kaya pala may naglakas loob nang makasama ako dahil lang pala sa advantage sakaniya

Well... atleast nakatulong pa din ako diba?

May mahina namang kumatok mula sa pinto at bumukas iyon. Tumambad samin si Nanay Linda na may dala dalang platong may lamang bananaque

Wahh! My favorite!

Huminto din sa pagtuturo si mr. tutor at nakatingin lang sa platong may lamang pagkain

"Heto mga anak nang hindi kayo magutom. Pinapadala ko na din dito ang inumin" sabi ni Nanay Linda

I smiled at kumuha nang isa saka walang sabi-sabing kumagat dun

Heaven!

Ganon din ang ginawa ni mr. tutor kaya naman itinabi muna namin lahat nang libro at notes

Umalis din kaagad sina nanay linda nang maihatid ang juice.

Tahimik. Yan ang masasabi ko sa mga nagdaang oras mula nang nagsimula kaming kumain

Pansin kong patingin tingin siya sa gawi ko kaya naman kunot noo akong tumingin sakanya

"What is it?" I asked him kaya naman tuluyan na siyang napatingin sakin

"Nasan ang mga magulang mo?"

Napahinto ang pagtangka kong kainin ang natitirang barbeque binaling ang tingin sa may pinto

"Why do you asked?" Pagtatanong ko

"Masama? Or baka naman..."

Kunot noo ko siyang tiningnan at nagpahiwatig na magpatuloy sa pagsasalita

"Baka naman ang totoo mong mama ay yung naghatid satin nang pagkain at ang papa mo yung driver? Tapos akala nang buong school mayaman ka?"

Napaubo ako sa mga salitang binibitawan niya

Madaldal pala ang isang to?

Hanep... ang galing magkwento!

"Yung totoo? Sino ka ba talaga?" I asked him at parang mas nakakagulat pa ang tinanong ko

My Genius TutorWhere stories live. Discover now