》CHAPTER 20: THE FOURTH COUSIN A.K.A DOROTHY《
Enzo Point of View.
Napatingin ako sa relo ko habang nandito sa may main gate at iniintay si Bianca. 4:30 na pero wala pa din siya
Hindi ko pa din nakikitang lumabas si Ericka kaya baka inextend ang klase nila
"Enzo!"
Akala ko ay si Bianca ang tumawag sakin pero si Ericka lang pala. Hingal hingal pa siya nang huminto sa gawi ko
Marami ng napapatingin samin pero binalewala ko nalang iyon
"Bakit?" Kunot noo kong tanong
"Nakita mo ba si Bianca?" Ikinagulat ko ang tanong niya
"Ha? Akala ko ba kasama mo siya?" Paninigurado ko pero umiling siya
"Mula pa kaninang break ay hindi na siya bumalik. Akala ko eh kasama mo. Nandito nga ang gam--"
Hindi ko na inantay ang susunod na sasabihin niya dahil napatakbo na ako sa parking
San naman kaya nagpunta ang isang yun? Bakit ba ganito ako kung mag alala sakanya?
Pagkarating ay naaninag ko kaagad si tatang na pinupunasan ang harapan ng sasakyan
"Tatang!" Tawag ko at pumunta sa gawi niya
"Oh ijo? Ikaw lang ba? Nasan na ang alaga ko?"tanong niya na ikinagulat ko
"Wala rin po dito?"
Nagtataka akong tiningnan ni tatang "Ano bang sinasabi mo ijo?"
"Nawawala po si Bianca simula kanina!" Saad ko
"Sigurado ka ba diyan ijo?"
"Kanina pa pong break sabi ni Ericka"
Naging alisto naman si Tatang at kinuha ang cellphone niya
Aligaga akong lumingon sa paligid nagbabakasakaling mahahagip siya ng mata ko pero bigo ako
Nasan ka na ba?
"Oo ijo... sige sige.. hihintayin ka namin dito" rinig kong saad niya sa kausap sa phone
Nakita ko namang patungo sa gawi ko sina Chester at Ericka
"Ano? Nahanap na ba?" Nag aalalang tanong ni Ericka at napahilamos pa sa mukha
"Teka? Ano bang nangyare bro?"
Ipinaliwanag ni Ericka ang nangyare kay Bianca
Nasapo ni tatang ang noo at tumingin tingin sa relos niya
"Eto na nga ba ang sinasabi ko" mahina lang ang pagkakasabi niya nun pero narinig ko pa rin
Anong meron ngayon?
Nag antay pa kami ng ilang minuto hanggang sa may humintong apat na kotse sa harapan namin
Bumaba ang dalawang babae sa unang sasakyan at tatlong lalaki sa tig-iisa
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...