Chapter 16

7 0 0
                                    

》CHAPTER 16: HIS CRUSH《

Althea Point of View.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaharap ko ngayon. Yung lalaking nakabangga ko kanina ay nandito sa harap ko at nakangisi sakin

Hanggang dito ba naman?

"OMG! Yung transferee!"

"Teh hindi transferee ang tawag dun"

"Ang gwapo niya sa personal!"

"Tumpak! Pero..."

"Bakit niya kasama ang stupid Princess na yan?"

"Una si Enzo tapos ngayon yan naman?!"

"Speaking of Enzo.."

Hindi ko pinansin ang mga bulong bulungan at napatingin sa bagong dating

Mukhang napansin naman ni Enzo ang tingin ng lahat kaya nagsalubong ang kilay niya

"Anong tinitingin tingin niyo?" Tanong niya kaya nag iwas ng tingin ang karamihan

Lumapit naman sakin si Ericka habang ako naman ay napatingin ulit sa lalaking nakabangga ko

"You're the Exchange student?" Takang tanong ko

"Tch! Hindi ba obvious?" Saad niya at tinuro ang uniform na suot

Malay ko bang baka napasaglit lang siya dito sa school namin

Hindi ako kaagad nakapagsalita. Tumingin muna siya sa relo niya saka napangiwi

"I have to go. Hope we meet again Ms. Althea" nakangising sambit niya sakin at tumingin kay Enzo "Thanks bro" dagdag niya na tinananguam lang nung isa

Umalis na yung lalaki na sa pagkakatanda ko ay Maki ang pangalan

"Ang taray mo girl ah! Kaano-ano mo si Maki?" Bulong sakin nitong katabi ko

"Ang bilis ng pangyayare" nasabi ko na lamang

Lumapit sa gawi namin si Enzo at timingnan ang bulletin board

"Congrats" sambit niya ng makita ang resulta ko

Naiilang na napangiti ako at tiningnan ang paligid. Merong nagbubulong-bulungan at nakatingin lang samin na para bang may nagawa akong kasalanan at si Enzo ang pulis

Weird

"May gagawin pa ba kayo?" tanong niya

Tumango ako pero umiling si Ericka kaya nagkatinginan kami

"May gagawin pa ba tayo?" Nagtatakang sabi niya pero pinanlakihan ko siya ng mata at nginitian

Kailangan kong makaalis dito!

"Meron diba" pagpilit ko pero tiningnan niya lang ako ng nakakaloko

"Ah! Ako meron hehe may date kami nang boyfie ko. Siya wala kaya mauuna na ako"

My Genius TutorWhere stories live. Discover now