Chapter 6

11 0 0
                                    

》CHAPTER 6: TYRANTOVIA 《

It's Saturday and that means wala munang tutor! Isang linggo na din pala simula ng magturo sakin ang lalaking yun

Ganun pa din ang trato sakin sa school pero ang kaibahan nga lang ay lagi na akong may kasama

Si Ericka

Nung una ay nanghihinala pa ako dahil baka kapag kaharap lang namin sina Enzo siya mabait pero i was wrong...

She's kind at palagi akong kinocomfort. Even though 2 days palang kaming magkakilala ay masasabi kong madali kaming magkasundo

I never thought na magkakaroon ulit ako ng kaibigan gayong patapos na ang highschool life ko

Nandito lang ako sa kwarto at nakahiga higa sa malambot kong kama habang nakatingin sa ceiling. Wala akong magawa ngayong araw!

Ayoko naman pumunta sa mall mag isa dahil magmumukha lang akong tanga dun

No to studying also! Ipahinga niyo utak ko. This last 2 days ay bigay nang bigay si Enzo ng mga activity na kailangan kong masagutan. And for Pete sake! It's Mathematics!

Nagdudugo na ata ang utak ko sa sobrang pagkalito sa mga formulas

Pero i know na para din iyon sa kapakanan ko

"Nak may bisita ka sa baba"

Napaupo ako bigla sa anunsyo ni nanay linda

Bisita?

Sino kaya yun?

Nag ayos ako ng sarili at hindi nag abalang magpalit ng damit dahil nandito lang naman ako sa bahay.

Bumaba na ako dala dala ang phone at pumunta sa living room.

"SURPRISE!" Napapikit ako dahil sa malakas na sigaw nang pamilyar na boses

Teka boses iyon ni...

"Ate Calie?!?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Nilibot ko ang paningin at hindi lang siya ang nandito kundi pati ang iba kong mga pinsan kasama din si Kuya kent

"Ouch! Hindi tayo naalala ni Bianca" parang nasasaktan na sabi ni Kuya Clyde

Napatakbo ako papalapit sakanila at buong pusong niyakap isa-isa

"Kalma Bunso! Ako lang to!" Natatawang sambit ni kuya Calvin pero inirapan ko lang siya

He's Calvin Tyrantovia, pangalawa sa magpipinsan. He's 2nd year college. Wag kayong lalapit dyan! Playboy yan!

"Wahh namiss kita Babybubu!" papalapit palang ako kay Ate Calie ay niyakap na niya kaagad ako

Excited much?

Calie Shenaria Tyrantovia, panglima saming magpipinsan. She's a first year college na mahilig magluto nang kung ano-ano

"Ate naman! Wag babybubu! Hindi na ako bata ihh" nakasimangot kong sabi

"Opss" sambit ni ate Calie at tumawa. May bigla namang gumulo ng buhok ko

"Wag niyo ngang inaasar tong bunso natin. Mamaya umiyak yan, lagot kayo kay tita Aki"  napasimangot ako sa sinabi ni kuya Clyde pero niyakap lang niya ako

My Genius TutorWhere stories live. Discover now