》CHAPTER 10: STRICT《
Althea Point of View.
"Okay class.. that's it for today. Bukas magkakaroon nang graded recitation kaya mag review review na kayo hangga't maaga pa. Class dismiss"
Dahan dahan kong kinuha ang bag ko at inilagay duon ang mga inilabas na gamit ko kanina
Hinihintay ko munang lumabas ang lahat bago ako dahil paniguardong sasalubungin nanaman ako ng tsismis kapag ako ang nauna
"Hey girl...bakit parang lutang ka ngayon?"
Lumapit sakin si Ericka at umupo sa kaharap kong upuan. Nagtataka niya akong tiningnan kaya napabuntong hininga nalang ako
Sasabihin ko ba?
"Kasi naman...."
"Alam mo, tigilan mo ako dyan sa kadramahan mo ah. Pabitin ka masyadi eh. So? Anong meron sayo ngayon?"
Hindi ako umimik at nag aalanganin pang magsalita
"Wow ah... so ako lang pala ang tao dito? Tell me Ericka... anong meron sa kaibigan mo ngayon?"
Para siyang tanga habang kinakausap ang sarili kaya lihim akong napatawa. Nakalimutan kong mas malala pa pala ang isang to kesa sakin
"Fine. May problema kasi sa bahay eh" nakagat ko nalang ang labi at naisip nanaman kung anong meron ngayon
Nandun na kaya sila?
"Oh? Nandyan ka pala?"
"Ericka!" Saway ko
"Eto naman hindi mabiro... chill ka lang girl" natatawa niyang sabi pero hindi ako nag react "Anong problema yan? Share it mo naman sakin"
"Malala?" Nag aalala niyang tanong pero umiling ako
"Eh anong pinuputok ng butsi mo dyan?"
Tuluyan akong napaupo at seryosong tumingin sakanya
"Kailangan kong mailayo si Enzo sa bahay"
Tinaasan niya ako nang kilay "Bakit?"
"Kasi...." humunto ako
"Ayan ka nanaman sa mga pabitin lines mo eh. Bahala ka.. hindi kita tutulungan kapag hindi mo sinabi"
"Tsk!" Wala na akong kawala kaya naman sinabi ko na sakanya ang problema ko ngayon
"Oh tapos?! Nangangain ba sila? Bampira ba? Baka naman alien?" Sunod sunod niyang tanong kaya napairap ako
Dapat pala hindi ko nalang sinabi sa isang to
"Iba kasi eh.."
"Panong iba girl? Anong masama kung mami-meet ni Enzo ang mga magulang mo? As if naman na boyfriend mo ang isang yun no!"
May point siya...
Napakamot ako sa ulo at bahagyang naihilamos ang kamay sa mukha. Wala na talaga akong kawala dito
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...