》CHAPTER 22: BIG HELP《
Enzo Point of View.
"Mag iingat po kayo" nagkasabay pa kami ni Bianca ng sabi kaya napatawa sina nanay Linda at tatang
"Oh siya. Mauna na muna kami ah. Pupunta naman din dito sina Clyde mamaya kaya may kasama ka" paalam nila kay Bianca
Tiningnan namin ang papaalis na sasakyan hanggang sa mawala ito at maglaho sa paningin namin
Anong ginagawa ko dito? Bakit hindi niyo itanong kay Clyde?
(Flashbacks)
Nang maihatid ko na si Bianca sa bahay nila ay umuwi kaagad ako. Naabutan kong wala ng ilaw sa sala kaya naman hula ko'y tulog na sila tatay
Umkyat agad ako sa kwarto at naligo. Pagkatapos ay naupo sa maliit kong lamesa at nagsimulang magbasa
Kamusta na kaya si Bianca ngayon? Tingin ko nama'y unayos na ang lagay niya. Kaya pala siya ganon umasta
Pero..
Sino yung nag text sakin kanina? Bakit niya alam kung nasaan si Bianca? Hindi kaya...magkasama sila bago ako pumunta?
Napailing ako at ibinaling ang tingin sa libro. Nagsuot muna ako ng salamin at nagsimulang magbasa
Wala pa ako sa kalahatian ay biglang tumunog ang phone ko
Kunot noo ko iyon tiningnan hanggang sa may lumabas na unregistered number
Sino naman kaya ito?
From: 09*********
Hey bro
I have a favor to ask
To: 09*********
Hu u?
From: 09*********
Clyde
Pwede bang pakibantayan si Bunso bukas?
Napakunot ang noo ko. Ano nanamang meron bukas? Wag mo sabihing uulitin nanaman ni Bianca ang ginawa niya kanina
Biglang nag flashback sa isip ko ang nangyare kanina nung hinawakan ko ang kamay niya. Ang lambot at ang kinis. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko
Lalo na nung nakita ko siyang ngumiti. Alam kong palagi siyang ngumingiti pero parang may kakaiba sa mga ngitian niya kanina
Kakaiba na parang ngayon ko lang nakita. Nakakamangha..
From: 09*********
Bro?
To: 09*********
Anong meron?
From: 09*********
Birthday kasi nung apo ni tatang kaya uuwi muna sila sa probinsya
Bukas ko pa ng hapon mapupuntahan si Bianca sa bahay nila
Samahan mo muna siya kung pwede
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...