》CHAPTER 4: WHY?《
Mahina kong sinipa ang bato na nasa tapat ko habang hinihintay ang babaeng iyon. Nandito ako malapit sa may main gate kung saan dagsaan nang papalabas na mga estudyante
Ang tagal naman ng babaeng iyon!
Marami raming napapatingin sa gawi ko pero hindi ko iyon binibigyang pansin. Tumingin ako sa relo ko at kasalukuyang alas-singko na ng hapon
"Omg! Nandyan na ang stupid princess"
"Yeah right! May gana pa talaga siyang mag stay dito sa MPU eh hindi naman pasado grades niya "
"Aanhin pa ang ganda kung maliit naman utak?"
"True! Saka i heard na bagsak nanaman siya sa Math subject kanina. Poor her"
Nag angat ako nang tingin nang marinig kung sino ang pinagbubulong bulungan nang nga estudyante
Naaninag ko si Bianca na nakangiti habang naglalakad. Parang wala lang sakanya ang mga naririnig. Sobrang aliwalas nang mukha niya na animo'y nakarinig siya ng mga papuri
Bakit siya ganyan? Bakit parang hindi siya naapektuhan sa mga sinasabi nang tao sa paligid niya? Kahapon pa siya ah..
Mukha namang nakita niya ako dahil kumaway pa siya kahit malayo pa siya sakin. Tiningnan ko lang siya. Halos karamihan nang mga naglalakad na estudyante ay napapatingin sakanya
Diba Tyrantovia ang apilyedo niya? Kaano-ano kaya niya ang sikat na Tyrantovia ngayon?
"Sorry sa pag iintay. Pinaglinis pa kasi ako ng professor ko eh" nakangiti niyang salubong sakin
Pinaglinis? Bakit masaya pa siya?
Sa pagkakaalam ko ay hindi pinaglilinis dito ang mga estudyante dahil may taga linis naman kaya bakit ginawa niya iyon?
"Tara na" aya niya at nauna nang pumunta sa parking lot
Tahimik lang akong sumunod sakanya at iniisip pa din ang mga pinagsasabi sakanya nang mga estudyante
Bakit nakangiti pa siya sa gitna ng panghuhusga sakanaya?
Sumakay na kami sa sasakyan at sinundo ulit nung tinatawag ni Bianca na Tatang
Sila lang ang nag uusap habang ako ay iniisip lang ang sinabi sakin ni tatang kahapon
(Flashback)
Tahimik lang akong nakamasid sa paligid habang naglalakad dito sa mahabang pasilyo. Nasa likuran ko lang si Bianca at wala atang planong sumabay sakin
Hindi ko alam na ganito kalaki ang bahay nila. Sabagay, isa siyang Tyrantovia na kilala sa larangan nang business world kaya ganito nalang kalaki ang bahay nila
Pero pansin ko ay wala ang mga magulang niya. Di kaya tama ang hinala ko kanina?
Na anak siya nung nanay linda?
Sa paglalakad ay nakasalubong namin si Tatang na papunta din sa main door nitong mansyon
Nung una ay tahimik lang kaming naglalakad pero ilang minuto lang ay hindi ko na napigilang magtanong
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...