》CHAPTER 11: PHOTOS《
Enzo Point of View.
Umakyat na si Bianca at si tito naman ay nagpaalam muna samin na pupuntang kusina
Naiwan ako dito kasama si tita na tinabihan ako
"So anong kalagayan ng anak ko sa school niyo? Is she okay there?" nagitla ako sa biglang pagsalita ni tita
Pansin ko ay kanina pa ito tahimik habang nag uusap kami ni tito pero ngumingiti ngiti siya
Ano nga bang sasabihin ko? Na inaapi si Bianca dun? Na masama ang pakikitungo ng mga estudyante sakanya?
"Uhmm.." hindi ko makuha ang tamang salita o sasabihin kay tita
Tumawa ito "Sorry for asking ijo. Nag aalala lang kasi ako sakanya. Alam mo naman, part of being a mom" saad nito
Akward din akong tumawa pero biglang lumitaw sa damdamin ko ang inggit
Sana lahat may ganyang nanay. Hindi yung basta basta ka nalang iiwan
"Okay lang po"
"Sa totoo lang, ikaw palang ang nadadala niyang schoolmate dito. Nangangamba nga ako sa batang iyon eh, nasa isip isip ko na baka wala siyang kaibigan man lang" ramdam ko ang pag aalala sa tono niya
Meron siyang kaibigan, si Ericka pero nagtataka din ako na wala siyang kasa-kasama mula nung una ko siyang makita
"Magkaibigan naman kayo diba?" Tanong nito sakin
Napakamot ako sa ulo at akward na ngumiti. Magkaibigan ba kami?
"Tingin ko po hehehe"
"Nakakatuwa na meron ang anak kong kaibigan na kagaya mo. Ano nga ba ang pangalan mo ijo?"
"Enzo po. Enzo Grey Portugal po" pakilala ko
"Portugal? Oh What a nice name. Nga pala, sabihin mo lang sakin kung pinapahirapan ka nang anak ko ah. Siya ba?"
Parte naman siguro ng pagiging isang tutor yung nahihirapan kang magturo minsan diba?
"Hindi po. Mabait po yan si Bianca" saad ko
Oo nga po. Sa sobrang bait, kahit nilalait na ay todo pa din ang ngiti. Kahit pinapahirapan na ay parang balewala lang ang lahat at nakukuha pang tumawa
"Salamat ijo. Sandali lang at may kukunin ako sa taas" paalam ni tita. Agad akong tumango kaya umalis na siya
Inilibot ko ang paningin sa sala nila. Ngayon ko lang napagmasdan ito buhat kanina at masasabi kong halata ang karangyaan sa paligid
Malaki ang TV. May mahahaba at malalambot na sofa. May mamahaling vase bilang disenyo. May cabinet na puro antique na kagamitan ang laman. May mga paintings sa dingding at chandelier sa itaas. Meron ring tea set sa ibabaw nang babasaging mesa. De carpet pa ang sahig
Ano pa nga ba ang aasahan sa mga Tyrantovia?
Nawala ang muni-muni ko nang makitang pababa na ng hagdan si Bianca. Lumapit ito sakin at huminto sa gilid ko
Nandyan na naman ang mga ngiti niya
"May hihingiin ako sayong pabor" sambit niya
Kahit ang lambing ng boses niya ay naroon pa din ang parang seryosong tono. Ano naman kayang pabor?
"What?"
Nawala ang ngiti niya "Pwede bang wag mo sabihin kina daddy kung anong nangyayari sakin sa school?"
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...