》CHAPTER 9: NOT BAD《
Enzo Point of View.
"Magkasama nanaman sila kahapom?"
"Naku! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Ginagamit lang niyang Althea na yan si Enzo"
"I know right! Saka kanina sa math subject namin, Out of 20 naka 14 ang stupid princess na yun"
"Sana naman maliwanagan na agad si Enzo kay Althea at ma realize na maling babae ang sinasamahan niya"
"Mahihila lang siya pababa"
I stopped at my tracks at tumingin sa mga babaeng nagtsitsimisan sa gilid nang corridor
Ano bang kinakainis nila kay Bianca at ganyan silang magsalita tungkol sakanya? Saka ano ba dapat ang klase nang babae na sinasamahan ko?
Mga tulad nilang nagkakapalan ang make-up kahit nasa eskwelahan lang?
Mukha namang napansin ako nang isa sakanila kaya pinatigil niya ang mga kasama sa kakasalita ng puro masamang opinyon ukol sa tinuturuan ko
"Enzo Boy!"
Biglang sumulpot sa harapan ko si Chester na nasa tig-bulsa pa ang dalawang kamay
"What do you want?" Simpleng tanong ko
Humarap siya sakin kaya naman habang naglalakad kami ay nakatalikod siya sa tinatahak namin
Madapa sana ang loko!
Bahagyang napakunot ang noo niya at diretsong tumingin sa akin "Himala at hindi mo pa kasama si Ms. Althea?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Diba may last period sila?
"Science ang last nila at maaga silang pinauwi" sabi niya at kinuha pa ang phone. Pinakita niya sakin ang convo nila ni Ericka
Tsk! Ang sakit sa mata nang tawagan nila!
Maaga pinauwi? Eh nasan na ang babaeng yun?
"Seriously? Baby ang tawagan niyo? Dapat sayo baby damulag" sabi ko kaya naman napasimangot siya
"Wag mong iniiba ang usapan Portugal! Walang pakialamanan ng call sign" sabi pa niya
Tumingin siya sa relo niya at inayos ang paglalakad. "Una na ako sayo Enzo dude, may pupuntahan pa ako"
Bigla siyang tumakbo papunta sa gate nang hindi lumilingon sa gawi ko. Ang tagal naman ng tuturuan ko!
Agad akong lumiko padako sa kinaroroonan ng last subject nila Bianca kasi meron sa loob ko na nagbabaka-sakaling nandun pa siya
Ayoko mag intay nanaman sa labas nang gate...
"Wait? Ano nga ang kasunod nang Strontium? Naman oh! Baka pagalitan ako nun!"
Napahinto ako nang may marinig na nagmemorize ng mga elements
Sumulyap ako sa loob ng classroom kung saan nanggagaling ang boses
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...