》CHAPTER 14: SECOND QUARTER EXAM PT. 2《
Enzo Point of View.
To: Aybie
That's good to hear
Congrats
Ibinaba ko ang reading glass at hinawakan ulit ang phone. Napatitig ako sa pangalan niya dito sa contacts ko
Sa totoo, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at iyan ang ipinangalan sakanya
Ilang minuto pa ang inantay ko pero hindi na siya muling nag reply pa. Nakarating na kaya ito sa bahay nila?
Maya-maya lang ay nabigla ako ng may kumatok. Ibinalik ko ang phone sa lamesa at nagtungo sa may pinto para pagbuksan iyon
"Ate"
Nakasimangot na mukha ni Ate Ella ang bumungad sakin
"Ang tagal mo bumaba kaya pinuntahan na kita. Kakain na daw sabi ni Papa" saad niya at naglakad palayo
Ang sungit naman nun?
Nakabihis na siya ng pangtrabaho, marahil ay aalis na pero inutusan lang ni papa na sunduin ako dito sa kwarto
Napailing ako saka sinarado ang pinto. Naabutan ko si papa na kumakain mag isa sa hapag kainan
"Oh Enzo anak, sumabay ka na sakin" saad niya
Tumango ako at kumuha ng pagkain saka umupo
"Ang ate mo ay umalis na. Late na daw siya eh"
"Palagi naman tay" biro ko na ikinatawa niya
Nagdasal muna ako bago kumain. Ilang minutong katahimikan ang nagdaan hanggang sa nagsalita ulit si papa
"Balita ko ay may tinututoran ka daw na schoolmate mo? Totoo ba?"
Bigla akong nasamid kaya napainom ako ng tubig
Oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin kina papa ang tungkol dun
Napakamot ako ng ulo saka dahan dahang ngumiti
"O-Opo eh"
"Hindi mo naman anak kailangan pang magtrabaho para sa--"
"Tay, hayaan niyo na po para makatulong man lang ako dito. Hindi naman po ako nahihirapan" paninigurado ko
Alam kong hindi sang ayon si papa pero wala na siyang magagawa dahil isang buwan na simula nang magturo ako sa babaeng iyon
Napabuntong hininga siya "Sigurado ka ba diyan?" Tanong niya kaya tumango ako
"Eh Kamusta naman ang pagtuturo sa anak ni Ben?"
Nagulat ako sa tanong niya at hindi muna nagawang sumubo
"Pano niyo po nalaman?"
"Aba't sino ang hindi makakaalam kung isang Tyrantovia ang tinuturuan mo? Anak pa nang kaibigan ko"
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...