》CHAPTER 12: SERIOUS《
Althea Point of View.
Parating na ang Second Quarter Exam kaya naman todo review ang eksena ko
Wala na din ang parents ko sa bahay dahil may aasikasuhin pa sila
I usually spent my free hours reading a book or writing some lessons on my notebook
Nakakahiya naman kasi sa tutor ko kung hindi ko pa maipapasa ang exams ngayong second quarter
I glanced at my wristwatch. 4:30 na pero wala pa din si Enzo
May usapan kasi kami na sabay mag rereview dito sa library. Siya ang nag suggest nun at hindi ako. Para na rin daw mabantayan niya kung tama ang nirereview at pagkakaintindi ko
Nagtuloy tuloy ako sa pagbabasa not minding the people who stares at me na para bang milagro ang pagpunta ko dito sa library
"Hey sorry I'm late"
Nag angat ako ng tingin at nakita si Enzo na parang kakagaling sa pagtakbo. Umupo ito sa tapat ko at binaba ang bag
And just that, lalong dumami ang mga tumitingin samin. Mali bang dito sa library kami nag-ganito?
Binalewala ko nalang iyon at ngumiti sa katapat ko. Inilabas na niya ang notes niya kasabay ng isang headset?
Taka akong tumingin sakanya at mukhang napansin niya iyon
"What?" tanong niya
"What's with the earphones?" Pagbabalik kong tanong
"Ahh..this is my way of studying" saad niya at tinaas pa ang phone kung saan dun nakakabit ang earphones
Tumango nalang ako at binalik ang tingin sa binabasa. Ilang minuto pa ang nagdaan hangga't sa pareho na kaming tutok sa nirereview
Hindi ko magawang magtanong dahil tuwing titingin ako sakanya ay bakas sa mukha niya ang pagkalibang
Hindi ko alam kung dahil ba yun sa binabasa niya o mula sa tugtog na nanggagaling sa phone niya
Nagkibit balikat nalang ako at nag focus. Maya-maya ay palihim kong inilabas ang baon na biscuit mula sa bag at pinunta iyon sa ilalim ng mesa
Tuwing susubo ay napapatungo ako saka babalik na parang walang nangyare
Ninja moves ba?
Bigla ay napatingin sakin si Enzo saktong isusubo ko na ang biscuit. Tinuloy ko iyon at sinenyasan siyang wag maingay
Buti nalang talaga at malayo kami sa librarian desk pero nasa may bandang gitna pa din ang pwesto namin
Nakatingin pa din siya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay "May kailangan ka?" Tanong ko
"Pahingi"
Nagulat ako sa sinabi niya. "Pahingi. Iabot mo sa baba" ulit niya
Bahagya pa akong napatawa pero iniabot pa din ang extrang biscuit ko sa bag
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...