Chapter 3

10 0 0
                                    

》CHAPTER 3: THE REASON《

Enzo point of view.

Nagising ako sa tunog ng alarm na nanggagaling mula sa phone ko. I checked the time and it's exactly 6:00 am

Tamang tama lang ang gising ko kaya naman inayos ko na ang sariling higaan at pumunta sa banyo

Buti nalang at maaga akong nakatulog kagabi. Pagkauwi ay nagplantsa pa ako ng uniporme at ginawa ang takdang aralin namin sa kada subject

Nang matapos ay bumaba ako at dumiretso sa dining. Naabutan ko si papa na umiinom nang kape habang nagbabasa ng dyaryo

Paniguradadong tulog pa si ate dahil sa klase nang trabaho niya. Nag dirediretso ako sa may tauban ng baso at nagsimulang magtimpla

"Kamusta ang pag aaral mo nak?" Rinig kong tanong ni papa

Pumihit ako paharap at umupo sa isang bakanteng upuan dala dala ang ginawa kong kape

"Ayos naman po tay. Nangunguna pa din" sabi ko at kumain na

"Wag mong pilitin masyado ang sarili mo nak. Ayos na samin nang ate mo na makapagtapos ka nang pag aaral at makapagtrabaho" Napangiti ako sa sinabi ni papa

Tumayo na siya at tinapik ang balikat ko "Pupunta na akong talyer, sasabay ka ba?" Tanong niya kaya umiling ako

Mas maganda pa kung maglakad nalang ako para iwas pamasahe pa

"Di na tay, ingat kayo" sabi ko at agad namang umalis si papa

May ari nang talyer si papa. Yun lang ang pinagkikitaan niya para lang samin samantalang si ate naman ay nagtatrabaho sa isang call center.

Iniwan kami ni mama nung 10 years old ako at sumama sa ibang lalaki. Tinanggap nina papa ang desisyon ni mama pero ako?

Sinisisi ko siya kung bakit kami naghihirap ngayon. Kung sana nandito lang siya ay baka may katuwang na si papa sa pagtratrabaho at pag aalaga samin.  Hindi siya karapat dapat na tawaging ina

Bakit niya pa kami binuhay kung iiwan lang din?

Tumayo na ako at bumalik sa kwarto para mag ayos. Pagkatapos ay nagtungo sa may sala para kunin ang sapatos sa may pinto

Maliit lang ang bahay namin. Kasya lang para sa apat na tao hindi katulad nung bahay nina Bianca na mala mansyon

Lumabas na ako at nagsimulang tahakin ang daan papuntang MPU. Private School ang pinapasukan ko pero dahil meron silang program para sa mga scholar ay nakuha ako

Basta ba 90+ ang average mo ay hindi ka nila tatanggalin sa program. Karamihan sa mga pumapasok duon ay mga mayaman at iilan lang ang hindi

Halos 20 minutes ang kailangang lakarin para lang makarating dun.

Late rin pala ako makakauwi mamaya dahil sa tutor na ibinigay sakin ni principal

Nakarating na ako sa may gate at agad kong iniscan ang I.D para lang makapasok. Madaming nakakakilala sa akin dito pero walang akong pakialam

My Genius TutorWhere stories live. Discover now