》CHAPTER 17: ERICKA《
Althea Point of View.
Sabado ngayon pero heto ako sa loob ng sasakyan papuntang MI Mall. Nag aya kasi si Ericka na mag bonding kami at hindi siya papayag na hindi ako sumipot
"Anong oras kita susunduin ija?" Tanong sakin ni tatang pagkarating namin
Napatingin ako sa relos. 10:45 na. Nandun na kanina pa si Ericka habang tunatawag sakin
Wala silang date ni Chester kaya ako ang napagdiskitahan
"Hindi ko po sigurado eh. Mag tetext nalang po ako" saad ko
"Oh sige. Mag iingat ka ah" saad niya
Ngumiti ako at bumaba. Pagpasok na pagpasok palang ay ang dami na agad tao
Weekend eh
To: EJ
San ka banda?
Dito na ako
From: EJ
Sa may tapat ako ng RM's book sale
Bilisan mo
Napasimangot ako saka nagtungo roon. Dapat pala ay sa kabilang entrance ako nagpahatid para malapit
"Girl!" Boses ni Ericka ang bumungad sakin. Niyakap muna niya ako saka hinila sa loob ng book shop
"May kanina pa ako dito pinagpipilian... Found it! What ya think? This one or this one?" Inangat angat pa niya ang hawak
"Really? Pinapunta mo ako dito para ganyan?" Saad ko pero tumawa siya
"Ani! Ma bonding tayo remember? Gusto ko kasing may babasahin sa bahay kaya hinila kita bigla dito
Napatango ako "Ewan ko sayo" saad ko pero tumawa lang ulit siya
"Yan na lang, mukhang exciting" saad ko at itinuro ang libro na hawak niya sa kanan
"Okie! Btw, ang ganda ng outfit mo today ah" sambit niya at nagtungo sa cashier
What's good good about my outfit?
She's weird..
Sumunod ako sakanya. Pagakalabas namin ay iginala ko ang mga mata
"Kain muna tayo" suggest ko
"Sure, ang tagal mo kasi kaya kanina pa ako palakad lakad dito. Dun tayo sa Omega Faye kain. I heard may bago silang dish"
Wala akong nagawa kundi magpahila. Napangiti ako nang maabutang may bakante pa good for two people
Agad kaming nag order. Napatigin ako sa labas nang makitang may pamilyar na tao
Si exchange student ba yun?
Naka hoodie ito at pants. Mula dito ay kita ko pa rin ang piercing niya
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...