Para hindi kayo malito sa characters name ng mga tita at tito ni Bianca ay ililista ko na dito:
▪Bianca = Tita Aki / Tito Ben
•Clyde and Calvin = Tita Krystie / Tito Cem
•Atasha = Tita Ali / Tito Aron
•Calie = Tita Belle / Tito Carl
•Kent = Tita Kim / Tito Ken》CHAPTER 23: MERRY CHRISTMAS《
Althea Point of View.
"Babybubu i have a favor to ask. Can you put the salad on the table? May ginagawa pa kasi ako sa kitchen eh. Please.."
Napatawa ako sa inasta ni Ate Calie. Tumango ako at sinunod ang sinabi niya
"AB! Let's go upstairs!" Pagkalabas ko palang ng kitchen ay agad akong hinila ni Ate Atasha sa kwarto niya at pinakita ang damit na pinagpipilian
Isa iyong red off shoulder dress at red crop top na tinernohan ng white pants. Parehong maganda ang pinapapili niya sakin
Kahit 8 palang ng gabi ay excited na si Ate Atasha. Pinili ko yung dress dahil mas bagay sakanya
Nakakalungkot lang na hindi samin makakasamang mag celebrate si Kuya Kent dahil lumuwas sila patungong France
Dun daw kasi balak ni tita Kim na mag celebrate. Si Ate Calie ang bahala sa kusina kasama sina tita while si Kuya Clyde naman ay nasa grill kasama sina tito Cem
Si Calvin naman ay inaaliw sina grandma at grandpa ng kaniyang gitara
Nagpapatulong pa sakin si Ate Atasha nang may biglang kumatok
Bumungad samin si Tita Belle at Tita Krystie
"Yow ladies!" Bungad ni Tita Belle at umupo pa sa kama ni Atasha
"Pretty dress" saad ni Tita Krystie
"What are you two doing here po?" Nakangiting tanong ko
"Susunduin sana namin kayo para ipaalam na aalis na tayo maya-maya. Kaya better hurry up" sabi ni Tita Belle
"Bakit hindi ka pa nakabihis Bianca ija? Gusto mo bang pilian kita ng damit?" Agad akong umiling sa sinabi ni tita Krystie
Masyado siyang fashionable kaya iniwas iwasan ko munang magpaayos sakanya
"No need tita. Nakahanda na din po damit ko" saad ko
"Naku! Nasan ba si Aki? Hindi ko iyon nakita sa baba ah" sambit ni Tita belle na tinutukoy si Mom
"Baka po tulog po mga tita? Ya know Jetlag" ani ni Ate Atasha kaya napatawa naman ang dalawa
"Puntahan ko po muna"
"Pagkatapos ay dumiretso ka na sa kwarto mo para magbihis" bilin sakin ni Tita Krystie kaya natatawang tumango ako
Nang makarating sa bedroom nila dad ay agad kong pinihit ang doorknob. Natutulog na si mom nang nadatnan ko
Umuwi sila kaninang umaga para lang makisalo samin
"Mom? Maya maya lang po ay aalis na daw po tayo" saad ko
"Ikaw pala yan baby. Don't worry, babangon na din ako mamaya" saad niya na ikinangiti ko
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...