》CHAPTER 8: ORANGE《
It's been a month since that guy started to tutored me and i must say that I'm slowly improving
Pero hindi masyadong mataas!
Kung baga dati ay 5/20 ako, ngayon naman ay 8/20 na. Oh diba? Nag improve ako? Mga 3 points
I'm here at a coffee shop at syempre kasama si tutor Enzo. Anong ginagawa namin dito?
Hindi kasi pwede ang bahay sa ngayon. Nagplano mag general cleaning sina Tatang kaya naman ayaw ko na sila magambala pa. Susunduin din naman niya ako mamaya pagkatapos namin
Maluwag din kasi dito sa loob kaya naisipan kong dito nalang plus free wifi pa!
"Here" Iniabot ko kay Enzo ang sinagutan kong papel. Malapit na palang mag quarter exam at sana naman this time ay mataas nang kaunti ang grades ko
Medyo malapit lang itong coffee shop sa school kaya marami rami ang mga estudyanteng customers. Buti nalang talaga at bawat table ay may harang kaya iwas ako sa isyu ngayon
Tutal ay busy pa ang kaharap ko kaka check ng pinasagutan sakin ay nadako ang tingin ko sa labas
May nakita akong vendor na nagtitinda n,g hindi pamilyar na pagkain--para sakin-- sa tapat nitong coffee shop. I can't see clearly kung anong tinitinda pa niya pero one thing i'm sure about?
It's an orange-colored food!
Parang masarap na nakakatakam. Marami ding bumibiling mga estudyante pero puro mga unfamiliar uniform ang suot.
I wanna try those..
"Are you listening Bianca?"
Napaigtad ako sa boses ni Enzo. I turned my gaze towards him at nakita kong seryoso siyang nakatingin sakin
"Sorry, what is it again?" Pagtatanong ko pero napailing lang siya at hinilot ang sintido niya
"Now I'm going to repeat those long formulas again..."
Napaismid nalang ako nang marinig ang binulong niya. Eh sa nakakatakam talaga yung nasa labas
Napansin ko ang isang batang lalaki na lumalapit lapit sa mga bumibili na parang nanghihingi. Nagugutom kaya siya?
"Listen. Para makuha ang sagot dito sa question number 7 ay kailangan mong gamitin--- Hey! For the second time are you even listening to me?!"
Sa pagkakataong ito ay ramdam ko na ang inis sa boses niya. Nahuli niya kasi akong nakatingin nanaman sa dun.
Oh tukso! Layuan mo ako!
He sighed in defeat at binaba ang papel na hawak niya. "Ano ba talagang tinitingnan mo diyan?"
Parang naintriga siya sa ginagawa ko kaya napadako ang tingin niya sa nasa labas kung saan naroroon ang nagbebenta nang pagkain
"Oh? Anong meron diyan?" He curiously asked
I bit my lips at tinuro yun. "I want to try those" i blurted out
YOU ARE READING
My Genius Tutor
Teen FictionAlthea Bianca is your not so ordinary girl. She belongs to a wealthy family that others dreamed of. She's pretty and quite energetic but her low grades dropped her fame. Other students thinks she's a brat and just using her family's wealth for her o...