Chapter 15

7 0 0
                                    

》CHAPTER 15: RESULT《

Althea Point of View.

Maaga ako nagising ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit, marahil ay dahil kinakabahan ako sa kakalabasan ng exam ko at performance nung second grading

Ngayon na kasi ilalabas ang result. 85 ang passing grade at 80 ang pinaka mababa sa school na to. Dati ay 81 ang grade ko, sana naman ay tumaas na ngayon

Bumaba na ako at naabutan si nanay linda na nanonood nang tv sa sala

"Oh? Ang aga mo naman ija?"

Napakamot ako sa ulo "Ah hehehe natulog po kasi ako ng maaga kagabi" pagsisinungaling ko

"Ganun ba? O siya! Halika na sa lamesa at nandun na ang iyong almusalan"

Nagtungo na kami sa dining at agad akong kumain habang nakikipag daldalan kay nanay

Nang matapos ay umakyat ako sa kwarto para maligo at mag ayos saka bumaba na

"Bye nanay alis na po ako" paalam ko saka sumakay sa kotse

"Makakapasa ka Althea. Think positive lang" mahina kong sambit sa sarili habang nakatingin sa labas bintana

"Bakit mukhang kinakabahan ka ija? May mangyayare ba ngayon at ganyan ang ekspresyon mo?"

Napatingin sakin si tatang mula sa rearview mirror.

Napabuntong hininga ako "Ngayon po kasi ang labas nung result tatang eh"

"Oh anong masama dun?" Tanong niya kaya napa iling ako

"Kinakabahan po kasi ako sa magiging result nung akin"

"Ano ka ba namang bata ka. Tiwala lang, makakapasa ka"

Sana nga po. Sana

Nginitian ko lang si Tatang at tumingin ulit sa labas. Nang makarating sa parking lot ay agad akong nagpaalam

Pagdating ko sa loob ng campus ay wala pa masyadong estudyante. Masyado pa kasing maaga

Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Relax lang Althea

Pumasok ako sa may main entrance at naglakad sa napakahabang corridor. Iilan lang ang nakakasalubong ko at pawang mga may sariling mundo

Napansin kong hindi nakatali ng maayos ang sintas ko. Ano ba yan..

Sa halip na ayusin yun ay pinanatili ko iyon sa ganong posisyon at naglakad habang nakatingin dun

Nang walang ano ano'y biglang may bumangga sakin dahilan para mawalan ako ng balanse

Hindi nga ako nadapa dahil sa sintas ko pero sa katangahan ko naman napunta

Akala ko ay tuluyan akong sasalampak sa sahig pero may bisig na umalalay sakin

"Tch. Umayos ka nga" biglang sabi nung lalaki

Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita

Agad akong napaayos ng tayo at nilingon ang paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang walang nakapansin samin dahil nga iilan palang ang tao

Lumingon ako dito sa lalaking katapat ko. Matangkad, may piercing ang tenga at may halong blue ang buhok

Mukhang bad boy pero hindi ko maitatangging gwapo ang isang to

"Hey" biglang may nag snap sa harap ko kaya nabalik ako sa katinuan

Yung lalaki

"Pasensya na, hindi ako tumitingin sa daan" hingi ko ng paumanhin at akward na ngumiti

My Genius TutorWhere stories live. Discover now