1♡

49 2 0
                                    

"Baby, mag-iingat ka dun ha? wala kami ng daddy mo dun para bantayan ka. Tsaka dapat kumain ka on time, huwag ka magpapalipas ng gutom." si mom. Kanina pa bilin ng bilin ng mga dapat at hindi ko dapat gawin.

Like duh! I'm not baby anymore!

"Don't forget to call or text us when you arrive there. I will miss you baby. If you have free time such as weekends, bisitahin mo kami ah" sabi nya sabay yakap.

"Okay mom" maikling sagot ko sabay beso sa kanya.

"O sya. Ipapakuha ko nalang sa driver yung mga gamit mo. Basta ang sabi ko sayo-"

I rolled my eyes "Mag-iingat ako dun kasi wala kayo ni daddy para bantayan ako. Dapat kumain ako on time, huwag ako magpapalipas ng gutom"

"Ikaw talagang bata ka! Enjoy ka sa bago mong school ah" aniya

"Mom, of course I will" bored na sagot ko.
h
"YUVIELAAAA!" napatakip kami ng tenga dahil sa sigaw ng bestfriend kong si Obrie. Nasa pinto sya habang patakbong papalapit sa'min.

"Hello tita" bumeso sya kay mommy "Yuviela let's go" aniya sabay hawak sa kamay ko.

"Tss. Looks like you're not excited huh?"

"Tara na Yuv! Anong oras na oh, nag-text na sakin si kuya" sabi nya na may pasulyap sulyap pa sa wrist watch nya.

"Bakit ba nagmamadali ka?" iritang tanong ko

"I'm so excited! New school, new friends at higit sa lahat new crush, balita ko maraming gwapo daw dun. Kyahh!"

"The ef Brie! plano mo bang basagin ang eardrums ko?" nag-peace sign lang ang gaga.

"Let's go na nga" sabi nya sabay hila sakin "Bye Tita!" kamaway sya kay mom.

"Take care girls! Yuviela baby, itext mo kami ng dad mo ah!" sigaw nya. I just rolled my eyes.

Nakakainis! I'm already a teen but they always treat me like a baby. Tsk.

Habang nasa byahe panay selfie si Obrie, habang ako naman nagi-instagram lang. Taga like ng mga pictures na pinopost nya. -_-

"Brie ano na? di kaba napapagod? kanina kapa picture ng picture dyan"

"Shut up Yuv!"

*click*

*click*

*facepalm* "Ano ba?! ano nang sabi ng kuya mo?" inis na tanong ko

"Wala, he just texted me na pagkadating natin dun, pupunta tayong principal's office, dun daw sya naghihintay sa'tin."

"Okay, paano yung-"

"Don't worry okay na lahat. Inasikaso na ni Kuya, yung dorm, yung requirements and papers sya na nagpasa" sagot nya pero sa phone parin ang atensyon nya.

"Ano ba ang kuya mo sa school na'yon? Teacher? Tsaka ba't di ko sya nakikita o nakikilala manlang? hello, 3 years na tayo magkaibigan pero ba't di ko pa sya nakikilala?"

"Kasi nga may sarili syang unit. Doon sya palagi umuuwi, alam mo naman na ayaw nun sa bahay kasi di sya makakagala at makakapunta sa bar dahil kay daddy, pinagbabawalan sya." aniya tapos naglagay ng lipgloss "Don't worry makikilala mo na sya ngayon"

"Eh ano nga sya dun? Teacher?" tanong ko

"Vice president ng student council" bored na sagot nya.

"Really?"

"uh hmm" tumango sya

Pagkadating namin sa school ay isang malaki at mataas na gate agad ang bumungad samin. I have no idea na ganito pala kalaki at kasosyal ang eskwelahang ito. Siguro fi ako magsisisi sa paglipat dito. Si Brie kasi ang nanghiyakayat sakin na magtransfer sa school na'to. Ang rason nya? bukod daw sa nandito ang kuya nya, marami pa daw ditong gwapo. Tss

Fallen 'N LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon