11♡

13 1 0
                                    


Sabay kaming tatlo ni Obrie at Mayriel na umalis ng dorm, usually kasi nauunang pumasok si May kasi sinusundo sya ni Nash. Sana lahat nga eh. Habang papunta kaming main building ay nakakarinig kami ng bulungan at tawanan ng mga estudyante sa corridor, tinitingnan pa kami ng masama. Sina May at Obrie naman mukhang naiinis na.

" 'wag nyo na silang pansinin, magkakagulo lang uli eh" sabi ko sa kanila

"Nakakainis kasi. Hindi ba sila makamove on sa away natin kina Quincy? Kaasar ah" si May

"Naku, talaga. Pag ako di makapagpigil, pagbubuhulin ko ang mga dila at tutusukin isa isa yung mga mata nila" si Brie

"Girls, kalma lang okay? don't mind them, 'pag pinatulan natin ang mga 'yan baka hindi lang library ang lilinisin natin" sabi ko

"Baka sa cr na. Ew!" maarteng sabi ni Brie

"Sige na, kita nalang mamayang lunch" si May tsaka umakyat ng third floor. Nasa second floor kasi yung room namin ni Brie.

As usual, pagpasok namin ng classroom ay may kanya kanyang mundo ang lahat. Minsan nga naiisip ko kung paano naging sikat ang school na 'to kasi karamihan sa mga estudyante dito mga spoiled brats at mga loko-loko.
Well, despite of this, I also heard na marami daw ditong matatalino, may background din ang school sa sports at other curriculums.
Siguro kaya pumayag agad ang parents ko nung sinabi kong dito ako lilipat dahil sa mga positibong nababasa nila sa internet tungkol dito, o di kaya ay dahil sikat ang pamilya nina Yanley na may-ari nitong school. Tsk.

Maya-maya ay pumasok na si Mrs. Perez. Bumalik naman ang mga kaklase ko sa kaniya kaniyang upuan nila, si Brie naglip gloss pa muna. Napasapo nalang ako ng noo, lipgloss is life lang te? Tsk.
Napalingon ako kay Yanley na tahimik lang, nakacross ang legs at nilalaro yung lollipop nya

Nag-lecture sya saglit bago umupo sa teacher's table at hinahalungkat ang laman ng dala nyang folder.

"Class, may project akong ibibigay sa inyo, by pairs ang paggawa kaya hindi kayo masyadong mahihirapan" sabi nya

"Project? again?"

"I hate projects"

"Yeah, me too. It's so boring kaya"

Bulungan nanaman ang mga maarte kong kaklase. Kung maka react naman sila parang ang busy nila ah. Ito kaya ang first project sa English namin. Tsk

"Magreresearch kayo ng historical places malapit sa lugar nyo o kung saan man. Pwedeng lumang gusali, bahay, lugar o kung ano man" tumigil sya na parang hinihintay kung may aalma o magtatanong ba samin, pero wala.

"Getting ideas on the internet is okay, pero 'wag nyong kopyahin ang buong article. You and you partner will seek informations and details about its past and where that structure, building and so on come from. Kayo mismo ang pupunta doon at magtatanong tanong sa mga naninirahan sa lugar na iyon. The details should be complete, kung hindi naman masyadong detailed, syempre medyo mababa ang magiging points. Pabor ang proyektong ito sa inyo kasi makakagala kayo-"

"Not bad"

"Nice"

"Project guys, hindi gala"

Kaniya kaniyang react naman ang mga kaklase ko. Napairap nalang ako sa hangin. Gala talaga eh.

"You'll be the one to choose your partner. The deadline will be next week, pagbutihin nyo. That's all, thank you and goodbye" aniya bago lumabas ng classroom. Yung mga kaklase ko naman kanya kanyang hanap ng partner.

"Yuv, ano? wala ka bang planong maghanap ng partner?" tanong ni Brie

"Ikaw nalang kaya?"

"Sorry, si Tyrone na kasi ang partner ko eh"

Fallen 'N LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon