5♡

14 1 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng mga kaklase ko, nakatulog pala ako. Nakakaantok kasi yung subject ni Ms. Chen eh, Math.

I really hate math. Mahina kasi ako dun eh. Heheh

Nilingon ko si Brie, as usual magkausap nanaman sila ni Tyrone. Si Yanley naman nakaupo lamg din sa gilid ko, nakacross arms pa habang may nakasalpak ma lollipop sa bibig nya.

Kinalabit ko si Brie "Cr muna ako ah" sabi ko

"Okay! balik ka agad, mamimiss kita" natawa naman ako sa sinabi nya.

Lumabas naman agad ako ng room, habang papunta akong cr ay napansin kong masama ang tingin sakin ng fan girls nina Orville at Yanley. Ano pa bang bago? ganito naman sila lagi.

Hmp! ano bang pakialam ko sa kanila? inggit ba sila dahil nilalapitan at kinakausap ako nina Ville? HAHAH

"Bahala kayo sa buhay nyo! mainggit kayo hanggat gusto nyo. Tse!" bulong ko sa hangin tsaka nag-flip hair pa bago pumasok ng cr.

Ssshhh...


tunog ng ihi ko po yan HAHAHAH

Palabas na ko ng cubicle ng may marinig akong may nauusap sa labas.

"Girl, kilala nyo ba yung transferee? napaka landi!" - girl #1

"Naku girl, sinabi mo pa, Nakita ko nga nga siya kahapon eh, kasama si Orville tsaka si Kane" medyo familliar ang boses ni girl #2 ah.

"What? my Kane? bakit kasama sya ni Yanley baby ko?" girl #3

Di ko nalang pinansin, lumabas ako ng cubicle tsaka naghugas ng kamay.

"Wait, ikaw yun diba?" napalingon ako sa nag-salita, isang babaeng puro kolorete ang mukha.

"Ha? ako?" tinuro ko ang sarili ko

"Sino pa ba? eh tayo tayo lang naman dito" sagot ng isa,isa sya sa mga tsismosa kong kaklase. Di ko nga lang maalala yung pangalan nya.
Something like, Bea? Bria? Briaaa... Brianna! Yun, Brianna ang pangalan nya.

"Diba kasama mo sina Orville kahapon?" mataray na tanong nya.

"Oo" sagot ko

"See? sabi ko sa inyo girls eh, malandi talaga ang isang 'to" natatawang sabi nya sa mga kasama nya.

Malandi daw ako? HAHAHAH slight lang naman. Kay fafa Ville lang naman eh. *pout*

"Ano bang problema nyo ha? inaano ko ba kayo?" tanong ko sa kanila

"Our problem is... you" tinuro ako nung isa sa kanila, sa kanilang tatlo, sya ang pinaka maganda. Mukha syang artista, tapos ang puti nya pa "Ikaw ang problema namin, lumipat ka ba sa school na'to para landiin ang mga lalake dito?" tinaas nya pa yung kilay nya.

Suplada naman diz girl. Maganda sana, panget naman ugali. Sabihan ba naman akong malandi? duh! sarap sabunutan eh

"Excuse me?" -ako

"Olga, ipakita mo nga sa kanya yung pictures" sabi ni ate ganda sa babaeng puro kolorete ang mukha. Olga pala ang pangalan nya. Tsk.

"Here" iniabot nya kay ate ganda yung phone. May pinindot muna sya dito bago ito binigay sakin.

Isang folder na puro pictures namin nina Orville at Yanley na magkasama. Yung paghatid ni Orville samin ni Brie sa dorm nung dumating kami dito,... yung pagtabi sakin ni Yanley sa upuan, yung sabay sabay kaming nag-lunch sa cafeteria, yung paggulo ni Orville ng buhok ko kahapon, kasama na din yung pagdala nya mg bag ko. Kyahh!

Fallen 'N LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon