My friends are right. I'm in love. In love with the person who can't love me back. Bakit kasi sa dinami-rami ng pwede kong magustuhan si Yanley pa? Gay sya, at ibig sabihin nun ay sa mga lalake din sya na-attract. Ilang araw ko na ding syang hindi pinapansin. Kung dating malimit lang nya akong kausapin, ngayon ay madaldal na sya.From Cold Guy to Talkative Gay. choz!
He's talking to me even he knows that I'm not interested. He's keep asking me questions even I'm not answering him. Parang tanga nga sya minsan kasi kinakausap nya ako kahit may earphone sa tenga ko. Kung dati ayaw nyang pinapansin sya, ngayon ay sya ang nagpapapansin sa iba. Lagi nyang tinatanong sina Brie kung anong nangyayari sakin. Alam nila kung bakit ako nagkakaganito. Palagi nilang sinasabi sakin na 'wag ko daw pigilin ang nararamdaman ko kay Yanley, baka kasi gusto din daw nya ako.
Duh! Ayokong umasa no. Minsan na din akong umasa,... kay Orville. Nagpakita kasi sya ng motibo sakin pero si Brianna naman pala ang gusto nya. I don't hate him. In fact, mas lalo kong napatunayan na mabait talaga sya kaya nya ginawa ang mga yun. Ako lang naman talaga ang umasa at nagbigay ng malisya sa pagtulong, pagaalala at kabaitang binibigay nya.
Kaya nga ayaw ko ding umasa na gusto din ako ni Yanley. Kasi alam kng 'di lang frustration at disappointment ang mararamdaman ko sa huli. Mahe-heart broken ako te!
So, naisip ko na habang maaga pa ay dapat pigilin ko na ang nararandaman ko sa kanya. Ayaw kong mag-grow pa ang nararamdaman ko sa kanya, kasi alam kong hindi nya kayang gustuhin ako pabalik.
Kapag naiisip ko ang mga bagay na 'to pakiramdam ko may pumipiga sa puso ko. Totoo nga, reality hurts. Ba't ba kasi bakla pa sya?
Change topic na. Ngayon ang unang araw ng camping namin. Kakarating lang namin sa camping site at busy ang lahat, kaniya kaniyang ayos ng tent sa lawn kasama ang partner nila. Malapit na din kasing gumabi,pero sa ngayon ako lang mag-isa ang nag-aayos. Si Brie kasi ang kumuha ng mga gamit namin sa bus.
"Hey!" napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sakin. Nakita ko si Yanley na patakbong lumalapit sakin.
Hindi ko sya pinansin at binaling ang atensyon ko sa ginagawa ko."Bakit hindi mo 'ko pinapansin?" tanong nya "Yuv, are you mad at me or something? pansinin mo naman ako" tiningnan ko lang sya.
"Nagtatampo ka pa din ba kasi kinuha ko yung milk tea mo? sorry na, bibilhin ko nalang yung shop para sayo. O baka naman dahil hindi kita binigyan ng lollipop nung nakaraan? bibilhan nalang kita. Ilang packs ba gusto mo? Just tell me what you want, ibibigay ko." napaubo nalang ako sa sinabi nya.
Ang OA nya lang kasi. Bibilhin nya yung milk tea shop para sakin at ang kapalit lang ay ang pansinin ko sya? Taray! Yaman talaga ng baklang 'to.
"Lollipop" walang buhay na sagot ko.
Kinuha nya sa bulsa nya yung phone nya tsaka may tinawagan "Yes hello?... yes, magdala ka ng 20 packs of lollipops—"
"Factory" nakangising sabi ko.
Tiningnan nya muna ako bago nag-salita " 'wag na pala. Bumili ka nalang ng isang factory—"
"Hoy! 'wag!" sinubukan kong agawin yung phone nya pero di ko nagawa "Joke lang yun. Sige na, papansinin na kita"
"Wag na pala, bye" nakangiting sabi nya sa kausap nya tsaka ibinalik sa bulsa ang phone nya.
"Papansinin mo na ako?"
"Bakit ba ang seryoso mo? Biro lang naman yun eh, pano 'pag sinabi kong tumalon ka sa tulay gagawin mo din?"
"Of course" mayabang na sagot nya
BINABASA MO ANG
Fallen 'N Love
Fanfiction18+ WARNING! :This story contains mature scenes that not applicable to readers below 18 years old. Charot, umasa ka ba? Possessive series pa more sis. HAHAHA WARNING! (totoo na 'to) - This story is not edited. - Nakakabaliw ang istorya - Nakakaiya...