15♡

14 1 0
                                    


Naglelecture si Ms. Chen sa harap pero di ako nakikinig, Math eh. Nakapalumbaba lang habang natingin sa katabi kong natutulog, nakapatong yung braso nya sa desk at nakapatong dun ang ulo nito habang nakaharap sa gawi ko. Tulog mantika ang loko.
Habang pinagmamasdan ko sya, iniisip ko kung bakit ang weird nya lately-ay hindi, kung bakit ang weird naming dalawa lately. Ewan! ang gulo! Basta ang alam ko lang kapag lumalapit sya sakin o hinahawakan nya ko nakakaramdam ako ng kakaibang feeling. Idk, parang natatae na ewan. choz!

Basta, bumibilis bigla ang tibok ng puso ko, kinabahan ako, natitigilan,.. minsan kapag hinahawakan nya ako nakakaramdam ako na parang may butterflies na nagwawala sa tyan ko, lalo nya kapag niyayakap nya ko. Ilang beses na nya akong nayakap kaya ilang beses ko ding naramdaman ang kakaibang feeling na 'to.

Bakit si Orville, kapag hinahawakan nya ako nag-iinit lang ang pisnge ko? kinikilig lang ako. Kapag yung bakla naman na 'to kakaibang kilabot ang binibigay nya sakin. Aish!

Naalala ko yung sinabi nya sakin nung nasa loob kami ng horror house habang yakap yakap ako.

"Sorry, I got up. I didn't mean to lose you in my sight... Promise, I will never let you go again"

Nang marinig ko yung huling part, pakiramdam ko may kung anong kumiliti sa puso ko. Naramdaman ko nanaman yung kakaibang feeling. Pati na yung kakornihang sinabi nya sa mall kahapon kinilabutan talaga ako nun.

"Di bagay sa'yo yung suot mo, ako ang bagay sa'yo"

Di ko alam kung totoo o nagbibiro lang sya nun. Basta nung marinig ko yun nagtatalon ang puso ko. Char.

Tapos kagabi di ako makatulog, nakahiga lang ako sa kama ko habang yakap yakap yung unicorn ko,dinala ko sya sa dorm para may kayakap ako.hihih Naghihilik na sina Brie tska si May tapos ako gising parin. Naisip kong mag-search ng kung anu-ano sa google. Hanggang sa naisipan kong itype ang:

Signs that you're in love

Futa sis! Yung kakaibang nararamdaman ko, tumpak talaga sa mga sagot na lumabas. Isa lang ang naiisip ko nun eh, nagtataksil ako. Nagtataksil ako sa asawa ko. Nagtataksil? Tinanong ko pa yung sarili ko kung in love ba talaga ako kay Yanley? kaso parang di naman eh. Naisip ko na baka may sakit lang ako kaya nararamdaman ko yung 'weird' feeling kemerot na 'to.

Aish! Ayaw kong paniwalaan yung lumabas na sagot sa google. Sabi nga nila 'Don't believe everything on the internet' nga diba? So naguguluhan ako kung maniniwala ba ako o hindi. Aish! Basta ayaw ko! 50/50

Habang nakatitig lang ako sa kanya, napansin kong gwapo nga talaga ang lalakeng 'to. From his luxuriant eyelashes and brows, to his cute pointed nose to his pinkish lips, and his jawline. Di na ko magtataka kung bakit sikat sya, bukod sa pagiging varsity player, student council president at pagiging apo ng may-ari ng school, artistahin din eh.

Yep, I admit, gwapo sya...kaso nga lang bakla. Oo nga pala, bakla sya, kaya imposibleng magkagusto ako sa kanya, baka nga may sakit lang ako kaya nakakaramdam ako ng kakaibang feeling. Ba't ako magkakagusto sa bakla? sabagay, pwede naman yun... pero basta! Tsk.

Di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko, basta ang alam ko lang dumampi ang palad ko sa mukha nya.

*pak*

"What the fvck! why did you slapped me?!" sigaw nya sakin habang hawak ang pisngi nya, napaayos sya ng upo.

"Pft!"

"Ano bang problema mo?" inis na tanong nya tapos may papikit pikit pa.

"Pft!...so-sorry,HAHAHA" ewan basta di ko napigilan ang tawa ko. Nakakatawa yung itsura nya,parang batang naistorbo sa pagtulog.

Fallen 'N LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon