16♡

14 1 0
                                    

Obrie's POV,

Nasa dorm kami ngayon, si Mayriel, Nash, Tyrone, tsaka si kuya. Si Sheryl nasa dorm na din nya, si Kane naman lumabas pero babalik din daw. Alam naming bawal ang mga lalake sa dorm namin pero wala kaming magagawa, pareho naming hinihintay na dumating si Yuv.

Kanina pa kami hindi mapakali, paroo't parito ang lakad. Mag-aalas otso na pero wala parin yung Yuviela na yun. Mula nung pinalabas sila ni Ms. Chen ay di pa sya nakakabalik. Akala nga namin nagtanpo o natakot lang kay Kane dahil sinampal nya ito. Si Yuv lang ang may lakas ng loob na sampalin sya, sya lang din ang hinahayaan ni Kane na bwisitin sya.

Nagtatawanan pa kami kanina pero ngayon, alalang alala na kami, hinintay namin sya kanina sa library pero hindi sya dumating. Akala namin tinakasan nya yung parusa nya, pero ngayon malinaw samin na nawawala sya. Halos nilibot namin ang buong campus pero wala ni anino nya. Sinubukan namin syang tawagan pero nakapatay yung phone nya.

"Asan na ba yung bruhang 'yun?" inis na sabi

"Kumalma ka lang, makakasama sa baby natin" niyakap ako ni Tyrone mula sa likod. Natawa lang ako, sweet sya palagi at palabiro. That's why I like him nga eh.

Oopss, di pa kami. MU lang, walang label. Landian lang. Ganern! Syempre pakipot muna ngayon, pero sasagutin ko naman sya. HIHIH

"Baby?!" sigaw ni kuya at napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa

"Hinaan mo naman yung boses mo, baka may makarinig sayo" si Nash

"Chill, pinapatawa ko lang si Brie" natatawang sagot ni Tyrone

"Tsk" umupo uli si kuya

Biglang bumukas ang pinto, at iniluwa si Kane. Tumabi sya kay kuya at sinasabunutan ang sarili.

"Wala ka naman sigurong planong sirain yung pinto no?" si May

"I can't find her" bulong nya

"Na-check na ba yung cctv?" tanong sa kanya ni May

"Yes, huli syang nakita na lumabas sa gym...then wala na. Pumunta ako dun,.. doon ako nanggaling but she's not there. Fvck!" galit na sabi ni Kane

Hinawakan sya ni kuya sa balikat "Calm down-"

"How can I get calm if until now we connot find her?!" napatayo sya

Natahimik lang kaming lahat. Nakakatakot sya kapag galit. Alalang alala sya. Alam naming lahat na may gusto sya sa bruhang yun, obvious naman eh. Kaso yung bruha kong bestfriend lang talaga ang manhid. Eto namang si Kane, ang torpe torpe, di maamin kay Yuv ang feelings nya.

"Di kaya nagalit o natakot sayo Kane? Tinakot mo sya kanina eh" si Tyrone

"Hala, oo nga! sabi mo 'you'll pay for this' tapos tiningnan mo pa sya ng masama. Kaya siguro di na sya umattend ng ibang class" dagdag ni Nash

Napaisip si Kane sa sinabi ng dalawa, tsaka napahilamos nalang ng palad nya.

"Imposible yun" napalingon lahat sila sakin "kung galit o natakot lang naman sya kay Kane kaya nag-cutting class sya,..edi dapat naka-uwi na sya dito ngayon. Malapit na mag 9pm pero wala parin sya, obvious naman na nawawala sya" sagot ko

"Shit" mahinang sabi ni Kane pero sapat na para marinig namin.

Aish! Yuviela asan kana ba?


Yuviela's POV,

Sinandal ang sarili ko sa puno sa likod ko. "Ouch" mahinang daing ko nang makaramdam ako ng sakit ng ulo ko. Ganun din ang pisnge ko, hindi ko masyadong mabuka ng bibig ko, masakit din pati ang kaliwang binti ko. Medyo malabo parin ang mga mata ko.

Fallen 'N LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon