Nasa cafeteria kami ngayon naglu-lunch. Pinaguusapan namin yung pambubugbog ni bakla sa mga tambay kahapon, napansin kasi nila yung pasa sa mukha ni bakla kaya nagtanong sila. Nagtataka nga ako kung bakit di sila nagulat, na para bang alam na nilang magagawa yun ni Yanley. Hello? bakla kaya sya.
"So paano kayo nakatakas?" tanong ni She na ngayon ay nagtransform na talaga sa Sheryl 2.0, wala na syang glasses at nagme-make up na din.
Lalo ayang gumanda."Dumating kasi yung tatlong manong na pinagtanungan namin kahapon, kaya ayun. Sila na daw bahala sa group of tambay nayun" sagot ko
"Buti nalang dumating si Kane" si Nash
"Oo nga eh, akalain mo yun? Bakla sya pero ganun kalakas ang suntok nya? Parang tunay na lalake talaga" -ako
"Pft!" si Tyrone na nagpipigil ng tawa
"Bakla ba talaga ang tingin mo sa kanya Yuv?" si Orville
"Oo, bakit? bakla naman talaga sya ah"
"Sa gandang lalake nyan?" si May sabay turo kay Yanley na seryoso lang na nakikinig samin
"Yep, andami kaya ngayong bakla na gwapo" sagot ko
"Paano mo kasi nasabing bakla sya?" si Brie
"May jowa nga yan eh" sagot ko na ikinagulat nila
"Owemji! totoo?" si She
"No way!" -Brie
"Paano mo naman nasabi?" si Ville
"Totoo Kane? I thought you like Yu- hmm! hmm hmm" di na naituloy ni Nash sinasabi nang takpan ni May ang bibig nya
"Nash!" inis na sabi ni Tyrone
"Wag nyo nalang pansin ang kumag ang 'to" ngumiti ng pilit si May tsaka piningot si Nash
"Aray, baby naman eh!" nag-pout pa sya
"Sino ba yung jowa nitong si Kane?" si She
"Oo nga, parang wala naman kaming nabalitaan" si Brie
"Kane, is it true? You already have a girlfriend?Ba't di ko alam?" tanong ni Ville kay Yanley
"Kasi wala naman talaga" bored na sagot ni bakla
"Phew! What a relief..." nagbuntong hininga pa si Brie
"Akala ko sinukuan na nya ang crush nyang manhid" si May tapos may papikit pikit pa
"Hindi naman kasi talaga girl, kasi boy yun no!" sagot ko
"Pft!... WAHAHAHAHA"
Napakurap kurap nalang ako nang bigla silang tumawa, si Yanley naman nakangisi lang habang nakatingin sakin. Mga baliw yata to eh."What so funny?" tanong ko
"Nakakatawa ka Yuv" si Brie na may pahampas hampas pa sa mesa
"Toto naman ah, diba Yanley?" tiningnan ko siya "Sino nga yung cute na lalake kahapon?" tanong ko na ikinaseryoso ng mukha nya
"He's not cute" seryosong sabi nya, tumigil naman ang mga baliw sa pagtawa at nabalot ng tensyon ang buong table
"Cute kaya sya, ang bait nya pa" mayabang na sagot ko
"Tss" inirapan nya ako
"Sino nga yun uli?" tanong ko
"CJ" sagot nya pero di nakatingin sakin
"Yun! CJ, si Mr. Cute guy, sya yung jowa ni Yanley" masiglang sabi ko.
Tiningnan nila ako ng seryoso, si Nash di na naisubo ang burger at napanganga nalang, si Tyrone naman muntik nang maibuga yung juice, si Orville nabitawan yung kutsara.
BINABASA MO ANG
Fallen 'N Love
Фанфик18+ WARNING! :This story contains mature scenes that not applicable to readers below 18 years old. Charot, umasa ka ba? Possessive series pa more sis. HAHAHA WARNING! (totoo na 'to) - This story is not edited. - Nakakabaliw ang istorya - Nakakaiya...