Nasa tapat kami ngayon ng horror house. Labas palang nakakatakot na, kami lang ang papasok sa loob at walang maggu-guide sa'min. Kami daw ang maghahanap ng way palabas, basta sa isang underground daw yung exit. Kainis! Nakakatakot na nga, may mystery keme pa sila. Tsk. Yung boys talaga ang nakaisip nito eh."Horror house talaga?" tanong ko
"Why? are you scared?" nanuknuksong sabi ni Nash
"I'm not!" matapang na sagot ko.
Kahit sa totoo lang, natatakot talaga ako. Alam kong di naman totoo ang mga zombies, multo or kung anong keme sa loob pero nakakatakot talaga eh.
"Yun naman pala eh, tara na. Sayang yung entrance natin kapag di tayo tumuloy" si Tyrone.
"Sure ba talaga kayo?" si May
"Don't worry baby, kasama mo ko" kumindat sa kanya si Nash.
Ew!
"Dito lang ako sa labas, baka mahimatay ako sa loob eh" natatawang sabi ni She
"KJ mo naman, sama kana" si Brie
"Natatakot ako eh, kayo nalang"
nahihiyang sagot nya."Okay fine" nagtaray pa si Brie
"She, pwede mo bang hawakan muna 'tong unicorn ko?" sabi ko sa kay She
"Oo naman"
"Ingatan mo ah"
"Wow, ingat na ingat ah? Dahil ba si Yanley ang nagbigay?" aniya tsaka tiningnan si Yanley
"Tse! basta!" sagot ko.
Pumasok kaming horror house, pinagbuksan kami ng isang white lady. May ibinigay sya kay Nash isang maliit na flashlight. Wow, sa dilim ng lugar na'to isa lang ang ibibigay nya para sa aming lahat? Sabagay... wala nang thrill yun kung lahat kami may ilaw.
May nakakatakot pang tunog sa loob mula hidden speaker, may creepy na anek-anek pang nakabitin sa kisame. Sa takot ko napakapit nalang ako sa braso ni Tyrone.
"Hey" inis na sabi ni Brie
"Selosa naman neto. Oh ayan iyo na!" inis ko binitawan ang braso ni Tyrone. Lumipat ako kay Orville. HAHAH sa kanya nalang ako kakapit.
"AAHHH" halos sabay naming sigaw ni May nang gulatin kami ng isang clown, imbes na matawa ako sa itsura nya ay mas nakmtakot pa ako. Napahigpit nalang ako ng kapit kay Ville
"Don't be scared. They are not true" natatawang sabi nya, hindi na ko sumagot.
Pumasok kami sa isang madilim na kwarto na puno ng sapot ng gagamba at mga lumang libro. Mukhang library ito.
Tingin dito, tingin doon.
Nakakatakot talaga.
Umakyat kami ng hagdan papuntang second floor, medyo malaki ang horror house na 'to. Kaya siguro mahal din ang entrance. Sana lahat mahal. Tsk. Tumigil kami sa harap ng lumang piano, medyo malikabok ito pero kita parin ang ganda nito.
"Gumagana pa ba 'to?" tanong ni Brie
"Dunno, try it" si May
"Okay" pinindot ni Brie ang isang key.
"AAAHHH!" lahat kami napasigaw nang magtuloy tuloy ang tunog nito. Medyo nakalma lang kami nang dahan dahan itong tumigil.
Maya-maya ay nagkagulo kami sa loob, sigaw kami ng sigaw dahil may lumitaw na lalakeng nakabarong at naaagnas ang mukha sa likod ng piano.
Hindi masyadong kita ang nasa loob dahil sa medyo madilim dito at tanging lumang lamp lang ang ilaw.
BINABASA MO ANG
Fallen 'N Love
Fanfiction18+ WARNING! :This story contains mature scenes that not applicable to readers below 18 years old. Charot, umasa ka ba? Possessive series pa more sis. HAHAHA WARNING! (totoo na 'to) - This story is not edited. - Nakakabaliw ang istorya - Nakakaiya...