2♡

20 1 0
                                    

Naglalakad kaming tatlo papuntang main building, andun kasi ang classrooms naming mga 4rth years. Suot namin ang uniform na ibinigay ni Mrs. Gomez kahapon.

Andami pala ng students dito, may mga grupo na naka-upo lang sa bench at nagkukwentuhan na parang di naiisip na may klase sila.

Yung ibang girls naman tinitingnan lang kami ng masama tapos magbubulungan at magtatawan. Yung boys naman na tinitingnan kami from head to foot sabay smirk. creepy!

"Totoo palang andaming gwapo dito! kyahh!" si Brie na may patili-tili pa.

Well,.. its true. Madaming gwapo, cool nga nila tingnan eh. Kaso ang creepy naman kung makatitig.

Huminto kami sa harap ng bulletin board, may ilang students din na tumitingin sa dun.

"Girls, iba ang section ko." malungkot na sabi ni Mayriel

"Ano ka ba, okay lang yan. Sabay naman tayong magla-lunch diba? kaya makakasama mo kami" masiglang sagot ni Brie

"Don't worry May, kung nauna ang dismissal namin ni Brie, susunduin ka namin sa room nyo" nakangiting sabi ko.

ngumiti din sya "ihahatid ko kayo sa room nyo" tumango lang kami at sumunod sa kanya.

Huminto kami sa tapat ng isang room, eto na siguro ang magiging room namin. Sosyal nga eh, may aircon. Napansin ko ding may sariling mundo ang mga students sa loob, may grupo ng kababaihang nagtatawan, may nagme-make up, may nagseselpon, may nagliligawan, lampungan, landian. chos!

Nakita kong may sinenyasan si May sa loob. Maya-maya may lumabas na matangkad at poging lalake.

"I miss you" sabi ni may sa lalake.

"I miss you too" sagot nya sabay yakap kay May at-

ohh!

my eyes!

SPG!

"Whoa, whoa....whoa" si Brie habang nakataas ang dalawang kamay.
"Did you just kissed? infront of us?... are you guys dating?" aniya

"Or friends with benefits?" bored na sabi ko.

Natawa lang silang dalawa "I'm Nash, Mayriel's boyfriend" sabi nung Nash, nakipagkamay naman kami sa kanya.

"Yuviela"

"Obrie" nakangiting sabi ni Brie

"Nash, they are my roommates slash new friends." si May

"Oh I see..." sagot nya.

"Since magkaklase pala kayong tatlo, Nash, ikaw na muna ang bahala sa kanila ah, bago palang sila dito, transferees kasi... Pupunta na ako ng classroom ko, magsstart na kasi yung class eh" sabi ni May saka kiniss sa pisnge ang boyfriend nya.

"Okay baby, bye!" si Nash.

Baby? HAHAHA

wala lang, natatawa lang ako.

"Bye Yuv, bye Brie!" kumaway samin si May samin bago naglakad palayo.

Pumasok naman na kami sa room namin. Sa bandang likod namin naisipang umupo ni Brie. Si Nash naman at ang mga kasama nya kanina ay sa harap namin.

"Hi, I'm Murphy" napatingin ako sa lalaking nakaupo sa harap ko na medyo chinito ito.

"I'm Yuviela" sagot ko

"Yuviela, are you a transferee?" tanong nya

"Obvious ba?" I rolled my eyes

he chuckled "You're beautiful"

Fallen 'N LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon