Palakad lakad lang kami ngayon ni Yanley sa daan papuntang lumang bahay. One way road lang kasi 'to kaya iniwan nya ang kotse nya sa tapat ng isang 24/7 store. Mga sampung minuto na din kaming naglalakad, nagprisinta syang mag-dala ng bag ko kaya hinayaan ko nalang. Kung mapagod man sya, kasalanan nya na yun. hihihihi"Pagod ka na ba?" tanong nya sakin.
"Di pa naman, ikaw?"
"Di pa din naman"
"Masakit pa ba binti mo?"
"Yep,konti. Kaya ko naman na eh"
"Okay, good." sagot nya tsaka binaling ang atensyon sa paligid.
Simple lang ang mga tao dito, may kanya kaniyang mundo. May nag-iihaw sa gilid, may karinderya, may nag-iinom at may nag tsitsimisan sa tapat ng sari-sari store. Sa tingin ko nga kahit simple lang ang pamumuhay nila dito ay masaya sila, kitang- kita kasi sa mga tawanan nila.
"What now?" tanong sakin ni Yanley.
"Ano?"
"San na tayo pupunta? we've been walking for years pero wala parin" inis na sabi nya
"Years talaga? napaka ikli naman ng pasensya mo" sabi ko
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid namin. May nakita akong mga manong na nag-iinuman sa tapat ng isang bahay.
"Do you thinking what I'm thinking?" tanong ko sa kanya pero kina manong parin ang tingin ko.
"Let's go" aniya saka nag-lakad papunta dun. Sumunod naman ako.
Lumapit kami kina manong na nag-iinuman. Mukhang nagsusugal din sila.
"Hello po mga manong" nakangiting bati ko sa kanila
"Uy! bakit iha? may kailangan ba kayo samin?" tanong samin ni kuya kalbo
"May itatanong lang po sana" sagot ko
"Sige lang iha" sabi ni manong panot
"Actually, we're looking for this house" ipinakita ni Yanley kina manong ang picture ng bahay sa phone na "Can you please tell us the way?" tanong nya
"Wow, inglis spiking pala ang mga 'to ah" sabi ni kuyang kalbo, tumawa naman sila. Nagkatinginan lang kami ni Yanley.
"Malapit lang yan dito iho, diretsohin nyo lang 'tong daan" sagot ng kasama nila
"Matagal nang walang tumitira dyan ah. Bakit kayo interesado dyan?" si kuya panot
"Project lang po" sagot ko
"Ah ganun ba? mag-iingat kayo ah, madaming asong ulol sa daan" natatawang dagdag pa nya
"T-talaga po? Nakakatakot naman" nauutal na sabi ko. Nakakatakot naman talaga yung mga asong ulol, lalo na yung nag-lalaway.
"Ang ganda mo naman iha, bagay na bagay kayo ng boypren mo, ang gwapo eh" si kuya kalbo habang nakatingin samin
Nagtinginan kami sandali ni Yanley, pero agad din naming iniwas. Awkward! =_=
Boyfriend daw? HAHAHA kuya, bakla po 'tong kasama ko."H-hindi ko po sya... boyfriend" nauutal sa sagot ko
"Iho, aba'y...galaw galaw din! baka mamaya maunahan kita" natawa pa silang tatlo, ako naman napangiwi nalang.
"Iho, tingin mo palang dito sa kasama mo halatang may samting na eh" natatawang sabi ni kuya panot, kumunot lang ang noo ko.
"Dahil sinabihan nyo po ako ng gwapo, bibigyan ko po kayo ng pampulutan" nagulat ako nang kumuha ng isang libo si Yanley sa wallet nya at iniabot sa kanila. Tuwang-tuwa naman ang mga loko.
BINABASA MO ANG
Fallen 'N Love
Fanfiction18+ WARNING! :This story contains mature scenes that not applicable to readers below 18 years old. Charot, umasa ka ba? Possessive series pa more sis. HAHAHA WARNING! (totoo na 'to) - This story is not edited. - Nakakabaliw ang istorya - Nakakaiya...