Nasa bahay ako ngayon, nag-promise kasi ako kay mommy na bibisitahin ko sila every weekend. Nakakabored din kasi mag-stay sa dorm, walang magawa. Tsaka nakakatamad din maglibot sa buong school, baka kasi makasalubong ko pa ang reyna mg mga bubuyog at baka dumampi nanaman sa maganda at makinis kong mukha ang madumi nyang palad.Chos.
Hindi sa naduduwag o sa natatakot ako sa kanya, sadyang ayaw ko lang talaga ng gulo.Nasa garden katabi ng pool kami ngayon ni mommy, nagkakape. Si Dad nasa work na. Lagi namang busy yun.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong garden, napaka peaceful ng lugar na'to para sakin, nakakalibang kasi ako tingnan yung tubig na kulay sky blue sa pool.
"Yuviela, can you explain this?" napalingon ako kay mom, hinarap nya sakin ang phone nya.
"What is that?"
"Stalk mo nga ang bestfriend mo, may pinost sya" aniya tsaka binaling ang atensyon sa hawak nyang cellphone.
"IG or FB?" bored na na tanong ko, tsaka nilapag sa mesa ang kapeng hawak ko, at kinuha ang cellphone ko.
"FB" sagot nya, sinunod ko naman ang sinabi nya.
I stalked Obrie. Scroll, scroll, scroll. Puro pictures nya at shared post ang nakikita ko. Napahinto ako sa pagsscroll nang mapako ang tingin ko sa isang picture.
Napa-ubo ako nang mabasa ko ang caption."Love in a racket"
Di ko alam na pinost pala 'to ng bruhang 'yun, andami pang shares and reacts. Sad, angry-ugh! Nakakahiya!
Tiningnan ko kung sino-sino ang mga nag-react, nakita kong nag-sad react si Orville.Ba't sad? Nalungkot ba sya dahil niyakap ako ni Yanley? Bakit? gusto nya din kaya ako? Whaa! Eto na ba yun Lord? Sya na po ba? Is it possible that he likes me too?
Kyahh! Malungkot ang reaksyon nya. Nagseselos ba sya? Ahh! Diz iz it, pusit! nagseselos ang asawa ko! hihih
Ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa reacts, at kung minamalas ka nga naman, angry react ang kay Qiuncie Fuentabella. Crap! FB friends pala sila ng bububyog na'to?
Naniniwala na talaga ako sa kasabihan na "trouble is a friend". Tsk tsk tsk.Si Yanley naman love ang inireact, di manlang nagalit? baliw ba sya? nakakahiya kaya! Ugh! Kainis!
"Aish! lagot ka sakin Obrie" napasapo nalang ako sa noo. Nakakahiya talaga! Baka awayin nanaman ako ni Quincie the queen bee na 'yon.
"So? anong ibig sabihin ng picture na 'yan?" mataray na tanong ni mom, kinabahan tuloy ako.
"That's nothing mom,.. It's just.. uhm-" napalingon ako kay mommy na tawa ng tawa habang may kausap sa phone nya.
"yes, dalaga na ang anak mo honey,... HAHAH yeah, gwapo sya... of cour-" inagaw ko ang phone nya inend yung call. Aish! si Dad.
"What? I just told your dad that you already have a boyfr-"
"Mom! he's not my boyfriend, partner ko lang po sya sa activity namin. He's just my friend, okay? my classmate"
"Hmm, really?" ngumisi sya "Anong pangalan nya?"
"Yanley po,... Yanley Kane Monteverde"
"Monteverde..." tumingin sya sa ibang direksyon, parang nag-iisip "Oh! haha, Monteverdes are popular." masiglang sabi nya
"Tss. I don't care" I roled my eyes. Kainis 'tong si mommy, sabihin ba naman kay daddy na may boyfriend ako? Aish!
Kinalikot ko ang phone ko, gusto kong tawagan yung Obrie na 'yon. Kasalanan nya 'to eh. Dapat ma-delete nya yung picture na'yon. Kaya lang nakita naman na ng marami eh.
BINABASA MO ANG
Fallen 'N Love
Fanfiction18+ WARNING! :This story contains mature scenes that not applicable to readers below 18 years old. Charot, umasa ka ba? Possessive series pa more sis. HAHAHA WARNING! (totoo na 'to) - This story is not edited. - Nakakabaliw ang istorya - Nakakaiya...