4♡

14 2 0
                                    


Nasa room room kami ngayon, katabi ko ang besfriend kong si Brie. As I expected nagtampo sya sakin, hindi nya ako kinausap kagabi pati narin ngayon. Kahit nga kaninang almusal, ako pa nagtimpla ng gatas nya, hindi manlang nagpasalamat.

Grabe talaga magtampo 'tong babaeng to, daig pa yung batang di binigyan ng gustong laruan. Tsk tsk tsk
Epal kasing Yanley 'to eh. Sabihin ba naman kay Orville yung totoo.

"Brie, sorry na"kinalabit ko sya,pero di nya ako pinapansin. Nasa phone nya parin ang atensyon nya, wala pa kasing teacher siguro na late lang.

" Obrie ano ba?! sorry na nga eh! parang tanga 'to!... hindi naman ako yung nagsumbong kay Orville eh" inis na sabi ko.

Nawawalan na ko ng pasesnsya ah.
Short tempered kind of person pa naman ako.

Inis na nilingon ko ang kumalabit sakin "What?"

"Is that how you apologise? Ikaw pa ang galit?" si Yanleypot

"Wala lang pakialam! ikaw nalang kaya magsorry? tutal ikaw naman may kasalanan eh" sagot ko, tsaka bumaling ulit kay Brie.

"Brie, sorry ma kasi..." nag pout pa ko. Pero waley pa din. Aish!

"Mga babae nga naman..." bulong ni Yanley. Napairap nalang ako sa hangin.

"Calling all the students, please proceed to the gymnasium."

"Calling all the students, please proceed to the gymnasium."

Agad namang nagsialisan ang mga kaklase ko matapos marinig ang announcement. Si Brie naman umalis din agad kasama si Tyrone. hmm.

"Yuv, sabay na tayo" narining kong sabi ni Murphy, tumango lang ako. Padaan ko sa harap ni Yanleypot at binigyan ko sya ng irap todimaxxx.

"Murphy, sa tingin mo bakit pinapapunta ang mga students sa gymnasium?" tanong ko.

"Maybe a short program to welcome the freshmen and transferees like you" sagot nya

Habang papunta kaming gymnasium ay may naisip akong plano para kay Brie.
Tingnan natin kung ayaw nya parin tanggapin yung sorry ko.

I know her weakness.*evil laugh*

"Murphy, mauna kana muna dun, may naiwan ako sa room eh. Babalikan ko nalang muna" sana ol binabalikan

"Okay sige, sumunod ka agad ah" sagot nya, tumango lang ako.

Dali dali akong naglakad papuntang gate, lalabas kasi ako para mabilhan ng mga keme chuchu, yung Obrie na'yon.

"Where do you think you're going?" nilingon ko ang nagsalita, at kapag minamalas ka nga naman oh.

"None of your business" sagot ko kay Yanley sabay irap.

"Bawal umalis, dapat nasa gym lahat ng students" aniya, pero di ko pinansin.

Tumakbo na ko papuntang gate, buti nalang pinayagan akong lumabas ng guard. Sumakay ako ng taxi papunta sa pinakamalapit na bilihan mg doughnut.

Yep, mahilig sa doughnuts yung burahang Obrie na'yon, kaya nga mukha na syang doughnut eh. chos!

Nagmadali akong bumaba ng taxi tsaka bumili ng isang box ng doughnut, may nadaanan akong isang flower shop kaya bumili ako ng rose at tinape sa ibabaw ng box. Daig ko pa ang nanliligaw eh.

101% sure akong tatanggapin nya 'to. Tinapay na bilog na may butas gitna lang yung kahinaan nya eh. mwehehe

Pagdating kong school ay napansin kong nagsisibalikan na ang mga estudyante sa rooms nila. May nakita akong isang babae na pinagtatawanan ng grupo ng kalalakihan mga nasa lima sila. Mukhang nerd yung girl napinagtatawanan nila tapos yung boys mukhang tae- este gangsters pala.

Fallen 'N LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon