Ilang araw ko nang sinusubukang iwasan sina Yanley at Orville pero di ko talaga magawa. Lalo na si Yanley, classmate ko kasi sya, tapos magkatabi pa kami sa upuan. Hindi maiwasan ang pag-uusap at bangayan naming dalawa. Sa ilang araw naming magkasama, malimit lang syang ngumiti. Kapag ngumingiti naman sya, nakakaramdam ako ng kakaibang feeling. Parang natatae. chos.
Si Orville naman,.. yun, sigurado akong di ko maiiwasan yun. Crush ko eh. Hinahatid nya parin kami sa dorm, tsaka sabay din kaming nagla-lunch. Napaka-bait pa na palagi, sya ang nagdadala ng bag ko. err!
"Uy! tulala ka dyan" si Brie
"Huh?"
"PE na ang susunod, magbihis na tayo"
"Okay, sige" sagot ko tsaka inayos ang gamit ko, konti nalang pala kami dito sa room. Nakaalis na ang iba.
Pumunta kaming locker para kunin ang PE uniform namin. Mabilis kaming nagbihis tsaka pumunta sa tennis court.
Nadatnan namin ang iba naming mga kaklase nagpapractice. Yung iba naman walang pakialam sa mga nagaganap sa paligid.
"Okay class, by pairs tayo. Ako ang mamimili ng kapares nyo" sabi ni Sir Fernandez
Inanunsyo naman nya ang mga magkaka pares.
"Tyrone Alcantara and Brianna Cruz"
"Dapat ako yung partner nya eh" nakasimangot na sabi ni Brie
"Ang malas lang ni Tyrone kasi bruha yung partner nya" natatawang sabi ko
"Murphy Domingo and Shanna Lim" nilapitan naman ni Murphy si Shanna, yung kapwa tsismosa ni Brianna
"Yuviela Rose Bautista and Nash Dizon" napangiti naman ako, ang swerte ko naman. Alam kong magkakasundo kami ni Nash.
Lalapit na sana sya sakin nang biglang magsalita si Sir "Ay mali... si Mr. Monteverde pala ang partner mo Ms. Bautista" di ko alam kung bakit ako kinabahan nang marinig ko ang sinabi ni Sir.Nakaramdam nanaman ako ng weird feeling.
Si Yanley?... Si Yanley ang magiging partner ko?
Sus, siya lang pala. Kayang kaya ko 'yan!
Kaya ko ba?
Napatingin ako kay Yanley na papalapit sakin, tumango lang ko lang ako sakanya at ganun din sya.
Nahagip naman ng tingin ko si Brianna the iguana na nakacross arms habang nakangisi sakin.
Oh crap! Issue nanaman 'to.
"Obrie Peralta and Nash Dizon"
Matapos mag announce ng mga magpartners ni sir ay pumalakpak sya ng tatlong beses, "Okay, pumwesto na kayo, masstart na tayo" aniya tsaka pumito pa.
Pumwesto naman kami ni Yanley.
Sya ang nag-serve , nakita ko kung paano lumipad ang bola sa direksyon ko. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa bumagsak ito sa lupa.Napatingin ako sa kanya, nakakunot noo lang sya. Marunong ba syang maglaro nito? ako kasi hindi. HAHAH wala akong kaalam-alam sa sport na'to.
"Ulitin mo nga hehe" sabi ko habang kinakamot ang batok ko.
Inulit naman nga nya ng inulit ng inulit ng inulit. Hampas dito, hampas doon. Hataw dito, hataw doon lang ang ginagawa namin.
Guess what,.. isa o dalawang beses ko lang natamaan yung bola, minsan sobramg lakas minsan din sobrang hina. Huhuh
BINABASA MO ANG
Fallen 'N Love
Fanfiction18+ WARNING! :This story contains mature scenes that not applicable to readers below 18 years old. Charot, umasa ka ba? Possessive series pa more sis. HAHAHA WARNING! (totoo na 'to) - This story is not edited. - Nakakabaliw ang istorya - Nakakaiya...