NOTE:
(Please be noted of the sudden change of POV's in some chapters ahead.
Thank you!)✳
✳
"Harper! Harper!"
"Harper Landry! I don't know, bingi ka na din ngayon?"
Rinig nyang tawa ng isang babaeng umupo sa gilid nya. Sinamaan nya ito ng tingin.
Sa lahat ng students dito, ito lang ang may lakas ng loob na lapitan sya at kausapin– ah no! Ito lang pala ang nagsasalita.
At madalas syang mairita, lalo na kapag binibida na nito ang mga pinakamamahal nitong mga kuko. She was just simply obsess to her damn nails."Pahingi ako, Harper ha?"
Sabay agaw ng kinakain nyang ham sandwich. 'Ni hindi man lang hinintay na tumango sya.
'That was my food.'
Inis na sabi nya sa isip.
"Buti naisipan mong pumasok ngayon. It's Monday, though. Kadalasan, you're absent."
Oo nga naman, pagod kase sya tuwing weekend, nag-oovertime kasi sya sa trabaho bilang barista sa isang café malapit sa university.
Napailing na lang sya, at sumenyas dito.
'I don't have a choice, Adara.'
Adara Samantha Watson, her so-called bestfriend.
Last year pa itong laging sunod ng sunod sa kanya kahit saan man sya mapunta.
Hindi nya rin alam kung bakit naisipan nitong lumapit sa isang 'nobody' na gaya nya.
Katunayan, anak ng mag-asawang abogado si Adara Samantha Watson.Madalas din itong ma-bully dahil sa pagsama sa kanya. Wala naman kasing pakealam ang ibang mga students sa university, as long as it entertains them they will bully you 'til their heart's content.
Pero talagang matibay din ang babaeng ito, dahil ito din ang madalas magtanggol sa kanya kahit hindi nya man pansinin.
"Buti natitiis mo pang pumasok sa araw-araw na nangyayari sayo, Harper?"
Same question that she answers usually.
She sign.
'I had to finish studying, Adara. By hook or by crook.'
Dahil din sa kanya kaya natuto at nag-aral ng Sign Language si Adara para maintindihan nito ang ibig nyang sabihin.
Ito lang naman kasi ang lumalapit sa kanya, na hindi sya iniinsulto... inaasar lang."But you can continue in some... special school, no offense meant Harper, I do believe in your skills. Im your friend and I also want the best for you. You don't deserve this kind of school that's full of bullies, jerks, morons and brats!"
May pag-aalala sa boses nito habang nakatingin sa kanya.
Anak mayaman si Adara pero hindi ito katulad ng iba pang nag-aaral sa SCZU. May paninindigan ito at ipinaglalaban kung ano ang tama. Well, it runs in the blood, her parents should be feel proud.
Saksi ito mula sa unang araw nya sa SCZU, hanggang ngayon at mayroon pang dalawang taon ang naghihintay sa kanya.
'I want to be in normal school.'
Nakita nyang nalukot ang ilong nito sa isinagot nya.
"Normal? Is it also normal to bully you, every time they see you? All of the students here will hurt you, if they have opportunity to do so– emotionally and physically."
Harper bite the inside of her cheeks.
Yes, she know that, pero kung magpapadala sya sa mga nakapalibot sa kanya... paano sya makakapagtapos ng pag-aaral?Oo nga't, maaari syang mag-aral sa ibang school, school for her... but, to be a graduated from SCZU, is a great advantage and achievement for her.
'Where's the fun in that, if I transfer, Adara?' She sign.
Lumapit sa kanya si Adara sabay hablot sa balikat nya para alugin. Bahagya ding nanlaki ang mata nito.
"Fun?! Really? You see that as fun? Are you crazy, Harper Landry?"
Huminga sya ng malalim at inabot ang kamay ng kaibigan, marahan nya itong kinuha sa balikat nya.
She gave Adara a sincere smile as she sign.'Im fine, Adara. Don't worry.'
♦ § ♦
It's noon time, and it is also time to go home– not all students, though... dahil may nanatili pa naman para sa mga may afternoon schedule. Pwede naman nyang kunin lahat ng subjects para madali nyang matapos ang mga units na kailangan nya, but no.
Harper needs to work, para may magamit syang pambayad sa apartment na tinitirhan, at pambili ng pagkain, and also, may ginagawa din sya sa gabi. Kaya mas okay na itong ganitong setup.Habang naglalakad sa hallway, hindi maiwasang may masalubong sya na sinasamaan lang sya ng tingin. Pangalawang taon nya na dito, pero parang hindi pa rin nasasanay ang mga ito na makita sya, mas dumarami pa yata ang may ayaw sa kanya. Wala naman syang ginagawa sa mga ito.
Daig pa nya ang may fansclub– though it was really haters club.Pero, sino ba naman kasi ang may gusto na may isang katulad nyang nag-aaral sa isang private, mamahalin at in-demand na university sa bansa?
She's just a simple girl, poor and mute in the eyes of everybody.
She's just, Harper Landry, 18 years old, taking up BS Psychology.
An orphan and living alone for almost ten years. It's not easy for her, but she needs to cope up. She needs to go with the flow, kailangan nyang makibagay dahil hindi lahat ng tao ay tanggap sya. But she needs to accept that.As long as she can– she needs to survive. She needs to live.
Walang-wala ang pang-iinsultong natatanggap nya sa iba kumpara sa mga pinagdaanan nya na.
'I just need to graduate to get my diploma. Kahit man lang ito na lang ay maging successful ako. Na may isa akong bagay na natapos.'
Hindi nya man maisatinig dahil sa kanyang kondisyon, pero itinatak nya ito sa isip at gagawin nya ito kahit ano pa ang mangyari.
'By hook or by crook.'
♦ § ♦
|B E L L A A M O R 9 7|
BINABASA MO ANG
Crimson Rush (On-Going)
ActionHer name is Harper Landry. She's 'mute' but with undeniable caucasian beauty. Everyone who knew her, used to mock and laugh her, because of her condition, but still, she doesn't mind at all. They can mock her for all she cares, she's used to their i...