Chapter 4 ♦ Being Her

12 3 0
                                    

NOTE:

(Please be noted of the sudden change of POV's of characters in some chapters ahead.
Thank you!)

Pagkauwi nya galing university ay naligo sya ulit at nagbihis ng uniform sa café na pinagtatrabahuan ang– The Bluecakes, eight months pa lang naman syang nagtatrabaho sa café, pero kahit papaano ay madali syang nakakapag-adjust.

Mababait naman kasi ang mga kasama nya sa café kaya hindi sya nahihirapan. Tanggap din ng mga ito ang kondisyon nya. Well, her only job is to make coffees and drinks to the customers. She don't need to talk to them.

Nasa harapan sya ng salamin ngayon, at sinisipat ang sarili habang nakasuot ng kanyang employee's uniform.

She has a Caucasian beauty, 5'11 in height, dark chocolate hair, naturally pinkish cheeks, a proud nose and rosy paled lips– and of course, one of her great secrets– she has golden iris, na madalas nyang itago sa suot na hazel contact lenses, kapag nasa university at sa café.

She's gorgeous, but no one notice it, especially the students in the university.
Itinatago nya kasi ito sa longsleeves at knee-long skirts with matching socks. May bangs din sya na bahagyang tumabon sa kanyang mata.
Harper dressed like a loser in front of them– this one is better, she wants to live peacefully in that university. Kaya hindi nya kailangang mag-ayos para lang matanggap ng mga ito.

'Ni hindi nga alam ng mga kaklase na nagagawi sa café na siya iyong baristang madalas pagkaguluhan dahil lang sa maganda ito. Well, those people shouldn't know, who she really is.

♦ § ♦

Umingay ang bell chime ng pumasok sya sa The Bluecakes Café, kaya may iilang napatingin sa kanya– those eyes with admiration.

Paano na lang kaya kapag nakita ng mga ito ang kakaiba nyang mata?

'Will they judge me?' She sigh with that thought. 'No, it can't be.'

She click her tongue, slightly annoyed, as she walks inside their quarters.

"Hello, Harper!"

Bati sa kanya ni Klea Agustin, kasama din nyang nagpa-part time job. Isa itong server, dahil si Harper ang nakatokang maging barista nila. Kinawayan nya ito at simpleng nginitian. Gusto nya man itong batiin, hindi pwede.

"Harper! Finally, you're here!"

And that's Chanda Perez, the cashier. Palagi itong excited na makita sya dahil tinuring syang bunsong kapatid nito. Pinsan ito ng may-ari ng café, na kasalukuyang nasa States dahil may inaasikaso itong business dun.

Katulad kanina, tumango lang din sya dito.

"Hi, Harper! My babe!"

Oh, that's Privy Salvador, her so-called suitor. Mabait naman ito, kaya lang wala sa isip nyang makipaglapit dito. Ayaw nyang maging unfair sa lalake.
Kaya hindi nya binibigyan ng kahulugan ang kung anumang ipinapakita nito.

Some things should stay as where as they are.

Tumango na lang sya at pumunta sa locker nya, nilagay nya ang iilang gamit doon, kasama na ang pamalit nya mamayang uwian at sinipat ang sarili sa salamin– and she smiled sweetly.

'You need to do this, Harper...'

♦ § ♦

Nakakailang gawa na rin sya ng coffee and cold drinks. Naalala nya pa na halos isang linggo din syang tinuruan ni Klea para gamitin ang mga machines at kabisaduhin ang mga recipes sa pagtitimpla. And now, she's like a pro in making coffees and drinks.

Crimson Rush (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon