Chapter 25 ♦ Safe

5 0 0
                                    

NOTE:

(Please be noted of sudden change of POVs of characters in some chapters ahead.
Thank you!)

"Ouch! Harper! Araaay!"

"AWW!"

"Dahan-dahan naman..."

Piksi ni Adara sa bawat cotton na dinidiin ni Harper sa mukha nya.

Wala syang nakitang nurse sa Infirmary Clinic, malamang ay break-time din nila–– kaya si Harper na mismo ang naghalungkat sa Medicine Cabinet para gamutin ang gasgas sa mukha ni Adara.

Hindi naman ito ganun kalalim, pero siyempre mahapdi iyon lalo na't nadadampian ng gamot.

"Sabi na nga eh, mahal mo din ako... haha–– aray!"

Ngumiwi ito matapos nyang diinan ang sugat nya. Sinamaan nya ito ng tingin at sumenyas.

'Are you crazy?'

Kaya sinamaan din sya ng tingin nito at tinapik ang kanyang balikat.

"Wow ha? Sayo pa talaga nanggaling yan, ah?"

Binitiwan nya ang hawak na cotton at matiim na tumingin dito.

Harper sign again.

'Why did you do that, Adara?'

Ngumiti lang ito sa kanya bago sumagot.

"Of course, I am your friend Harper, it's natural for me to protect you, even if Im gonna be hurt in return. 'Yun naman talaga ang ginagawa ng kaibigan 'diba?"

Natigilan sya dahil sa sinabi nito.

'Friend...'

Napansin ito ni Adara kaya binalot ito ng pag-aalala sa kanya.

Tuwing ganitong tahimik ang kaibigan ay hindi nya maiwasang mag-alala dito. Madalas kasing malalim ang iniisip nito.

'If she could just talk to me, I'll listen.'

Pero, alam nyang imposible iyon. Na kay Harper pa rin ang desisyon na iyon. Pero magka-ganun man. Hindi nya mapigilang mag-alala sa kalagayan ng kaibigan kahit batid nyang may tinatago ito sa kanya.

She's not that dumb to notice.

Oo nga't matagal na silang magkaibigan, at alam nya mismong hindi pa sya nakakapasok sa mundo nito. Ni hindi nya nga alam kung saan umuuwi si Harper, pero walang kaso yun sa kanya. Ang importante nakakasama nya ito at hindi sya nito tinataboy tulad ng dati.

Harper may have a lot of secrets, but still, she choose to trust her, that someday... she would tell her everything.

"Harper, are you okay? May sugat ka rin ba? Patingin nga, bruha talaga yung Miranda na yun, eh!"

Umiling sya at kumuha ulit ng cotton para idampi sa sugat nito.

"Pero Harper, ang astig ng ginawa mo kanina. Grabe yun ha? Talaga bang sinipa mo yung Miranda na yun? Geez! Parang naramdaman ko yung backslapped na ginawa mo kanina. Cool!"

She just grin and sign.

'Im pissed Adara, that's why.'

"So it means, pissing you off, will have their way to hell? Btw, how did you do that?"

Crimson Rush (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon