Chapter 2 # The Husband and Wife meet again

49 5 0
                                    

Marry him twice...

Chapter Two

# The Husband and wife meet again...

Eroplano.

Napalunok ng laway si Carissa nang mag-annouce ang piloto nila na malapit na sila mag-landing sa Seoul International Airport.

"Okey ka lang?" tanong ni Atty. Jung sa dalaga.

Tumango naman si Carissa.

"By the way, hindi na kita masasamahan papunta kay Park Jimin..May meeting ako sa client ko"

"Okey lang..." nakangiting sabi ng dalagang pinay.

"You know where to contact me in case diba?"

"Yes.. I saved your number..." anya na pinakita ang kanyang cellphone.

Ang totoo kinakabahan siyang humarap kay Park Jimin. Ewan ba niya.

"Dont worry... Park Jimin can't do anything bad to you... I am sure of that.." ani Atty. Jung.

Napatango naman si Carissa.

Naghiwalay na nga sina Atty. Jung  at Carissa paglabas ng terminal.

Nakita naman ni Carissa ang ladies room kaya nag-decide siyang dumaan na muna doon para mag-retouch ng kanyang makeup. Kailangan niyang maging maganda. Gusto ni Park Jimin ang mga cute na babae.

"You look pretty..." sabi ng isang batang sa tingin niya ay nasa six years old.

"talaga?..." tanong naman niya sa bata.

Tumango lang ito. Saka nagmamadaling humabol sa ina nito. Kumaway pa ang bata sa kanya. "Babye.. pretty unnie.." sabi nito.

Gumanti na lang siya ng kaway dito.

Huminga ng malalim ang dalaga. "Okey... Let's face Park Jimin." Anya naglakad na habang hila ang kanyang maleta.

Panay naman ang linga ni Kim Tae Hyung. Tinitignan nito ang mga lumalabas na pasahero sa terminal ng airport.

"Nasan kaya siya?" tanong ni Tae Hyung. "Di kase tayo gumawa ng welcome card.." anya.

Pang-asar na napangiti na lang si Jimin. "Hayaan mo siya. Siguro naman alam niya ang itsura ng lalaking pinakasalan niya diba?" anya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Carissa nang makita niya si Jimin at nakatingin na din ito sa kanya ngayon. Para bang saglit na tumigil ang mundo nang maghinang ang mga mata nila.

Bigla namang nawala ang ngiti sa mga labi ni Jimin nang mapatingin din sa babaeng nakatingin din sa kanya. "Carissa Samonte?" banggit ni Jimin sa pangalan ng babae.

Sinundan naman ni Tae Hyung ang tingin ni Jimin at nagulat ito nang makita niya si Carissa. "Oh my God.. She is here.. What will you do?" parang si Tae Hyung pa ang natitense sa sitwasyon.

"What is this feeling?" tanong ni Carissa sa sarili. "Mas gwapo siya ngayon.. kesa noon..." sabi niya sa sarili. Saka automatic na humakbang na ulit ang mga paa papunta sa kanyang asawa.

Hindi naman maintindihan ni Jimin ang nararamdaman niya ng mga oras na yun. 

Si Kim Tae Hyung naman ay napaawang ang mga labi nang masaksihan niya ang sunod na nangyari.

Mabilis na niyakap ni Carissa ang asawa. "I Missed you..." sabi niya saka mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa.

Napakunot ang noo ni Jimin. "Hey... what are you..." nabigla siya sa kinilos ng babae. 'Talaga bang iniisip niyang ako ang asawa niya?' tanong niya sa sarili. Nalilito na tuloy siya.

Marry Him TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon