Marry Him Twice
Chapter 21
# No choice but to deal with it...
House of Park Jimin.
Naghahanda na si Carissa para pumasok sa school but this time si Kim Tae Hyung muna ang maghahatid sa kanya sa school. Out of town si Jimin para sa seminar nito.
"Are you alright?" tanong ni Tae Hyung. Saka tinignan ang sugat niya. "Grabe talaga ang mga kaklase mo no? Anyway mabuti na lang binigyan mo na sila ng lesson... Tama lang ang ginawa mo."
"Medyo nagi-guilty nga ako pero titiisin ko... Kesa naman mamihasa ng tuluyan ang mga spoiled brat na yun." nakangiting sabi ni Carissa.
Tae Hyung's Car.
Kanina pa napapansin ni Carissa na tila tahimik at malalim ang iniisip ni Tae Hyung. Siguro si Annie na naman ang nasa isip nito.
"Oppa... Um.. Kanina ko pa napapansin pero may problema ka ba? Si Annie ba?" tanong ni Carissa. "kung kailangan mo ng kausap... I want you to know I am here to listen..."
Napahinga naman ng malalim si Tae Hyung. "Salamat Carissa... Sa sinabi mo kahit paano its means a lot." Anya.
Tinapik naman ng dalaga ang balikat ng kaibigan.
"Wait....Dito na lang ako bababa. Huwag mo na ipasok sa loob ang kotse mo... Kase baka makita na naman nila ako... Alam mo na... Hindi ko alam kung naiinggit lang sila sa akin. Ang gugwapo kase ng mga lalaking nakapaligid sa akin." Ani dalaga.
Natawa naman si Tae Hyung sa sinabi ng dalaga. "Sigurado ka ba? Sandali kaya mo bang maglakad?" tanong ni Tae Hyung.
"oo kayang kaya ko... Huwag ka ng mag-alala..." ani dalaga saka nag V sign pa. "Basta kung ano man yang dinadaanan mo. Daanan mo lang... Lilipas din yan... Basta huwag kang magpanic para hindi ka magkamali sa mga disisyon na gagawin mo. Okey... Bye..." anya.
"Nakakatuwa talaga siya..." ani Tae Hyung na naiiling na lang saka nagmaneho na patungo sa office. Na pahinga siya ng malalim. Namimis na niya si Annie Choi.
School.
Napahinga si Carissa nang malalim habang malapit na siya sa gate. Napahinto lang siya saglit ng kumirot ang sugat niya. Muli nakaramdam na naman siya pagkaasar kina Seol Bi.
"Pag nagpeklat talaga itong sugat na ito. Humanda sila sa akin..." ani dalaga.
"Hakseang... Are you okey?" tanong ng isang babae na sa tingin niya ay hindi nalalayo sa edad niya.
Ngumiti lang si Carissa sa babae. "yes... Thank you." Anya.
Pumasok na siya sa loob ng school. Sinulyapan pa niya ang babae tila kanina pa may hinihintay. Nang ma-scan na ang school ID niya sa entrance ng school ay agad namang nagmessage ang system noon sa cellphone ni Park Jimin para mag inform nasa loob na siya ng school.
Seminar.
Napangiti si Jimin nang mag-send na ng notification ang school ni carissa na nakapasok na ito sa loob ng school. Very hightech na ang school nila. Kung saan sa bawat scan ng ID ng student ay magsisend ng message ang school sa mga guardian ng student. Nakalagay Kung anong oras nag in and out sa school.
"go for your dreams Carissa..." sabi ni Jimin. Saka nakangiting humarap na sa mga listener niya para sa kanyang seminar.
School entrance.
Napahinga ng malalim si Grace Lee nang makita niya ang paparating na lalaking sakay ng motorcycle... Si Min Yoon Gi! Lumapit naman si Grace Lee sa may entrance para hindi agad ito makapasok sa school. Kailangan niya itong makausap.
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Fanfiction"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...