Marry Him Twice
Chapter 18
# When destiny takes over...
House of Park Jimin.
"Look what you have done? Are you crazy?" tanong ni Jimin. Saka ackward na tumayo. Dapat ba siyang mag-sorry sa nangyari? No! Hindi! Ang dalaga ang may kasalanan kaya hindi siya magso-sorry dito.
Natahimik si Carissa. Hindi siya makapagtaray dahil kasalanan naman niya kung bakit ganon ang nangyari.
Pinatay ni Jimin ang shower. Asar na asar siya sa nangyari. Iniwas niya ang mga mata nang mapatingin siya sa ayos ng dalaga. Tulad niya basang basa na din ito. Bukod doon halos makita na niya ang katawan nito. Napalunok siya ng laway. 'Come on Jimin... You are expert in this kind of situation.... Bakit para kang duwag diyan?' pang-aasar niya sa sarili.
"Ano ba kaseng ginagawa mo? Alam mo matigas din ang ulo mo eh no?" sa halip ay tanong ni Jimin sa dalaga.
"Makati na kase ang ulo ko... At hindi ako sanay na hindi naglilinis ng buhok. Alam mo namang nagbyahe ako ng malayo kahapon sakay ng motor." ani dalaga.
'Hay, talaga naman..' ani Jimin sa isip isip.
Ilang sandali pa ay tinulungan na lang niya ang babae. Siya na ang nagshampoo ng buhok nito. Kinuhanan na din niya ito ng bathrobe saka inalalayan na makapasok sa kwarto niya para makapagbihis.
"Carissa... Baka kailangan mo ng tulong?" sigaw ni Jimin sa dalaga.
"tumigil ka!!! Bastos..." sigaw naman ng dalaga.
"Huwag ka ng mahiya sa akin.. Tutal mag-asawa naman tayo..." ani Jimin na hindi mawala ang ngiti sa mga labi. Nag-eenjoy sa pang-aasar sa dalagang pilipina.
Nang hindi na sumagot si Carissa ay nagpalit na lang din siya ng damit.
Condominium Lobby.
Nasa lobby na noon sina Kim Nam Joon, Min Yoon Gi, at Jungkook. Patungo sila sa bahay ni Jimin para dalawin si Carissa. Siya namang dating din ni Hoseok.
"Oh... Atty. Jung... nandito ka din? Dadalawin mo din ba si Carissa?" tanong ni Jungkook.
"Yes... Mukhang ang dami ng bisita niya ah. Kulang itong dala ko." Ani Hoseok na tinignan ang pagkaing dala.
"Okey lang yan... Nag-order na din ako ng pagkain at malamang parating na yun.." ani Nam Joon.
Hindi makapaniwala si Jungkook. "Wow!!!" tanging nasabi na lang ng estudyante. Well, he really likes to eat... Kaya kitang kita naman sa katawan niya.
"Saka may hinanda din ang pinsan ko kaya for sure sobra na ang dala natin." Ani Nam Joon. "Tara na?"
Nagkatinginan naman sina Min Yoon Gi at Jung Hoseok.
"Kamusta? Long time no see... Min Yoon Gissi." Bati ni Hoseok sa ka-batch.
"Mabuti naman... Ikaw kamusta din?" ani Yoon Gi. Nasa elevator na sila noon.
'Music teacher? Paanong naging music teacher ang isang detective?' sa isip isip ni Hoseok.
Pasara na ang pinto ng elevator ng may humabol pang sasakay.
"Oh.. Tae Hyung hyung.." ani Jungkook.
Napatingin naman si Tae Hyung sa mga sakay at natawa siya. "Lahat ba tayo ay kay Carissa ang punta?" tanong ng lalaki. Saka napatingin kay Min Yoon Gi. "Wow... Yoon Gi.. Hyung!! Kay Carissa din ba ang punta mo?" saka pumasok na sa loob ng elevator.
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Fanfic"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...