Chapter 11 # Min Yoon Gi's Task

31 4 0
                                    

Marry Him Twice.

Chapter 11

#Min Yoon Gi's Task.

School Garden.

Abala si Carissa sa paggawa ng Korean Activity na binigay sa kanya ni Jeon Jungkook. Naaasar siya dahil pahirap ng pahirap na ang activity na binibigay sa kanya ng kaibigan.

Ewan niya kung bakit ganon siya katamlay ... Dahil ba nasa Japan ngayon si Jimin?

Nilapag ni Jeon Jungkook ang sandwich sa notebook ni Carissa.

Automatic namang napatingin si Carissa sa kaklase.

"Masyado mong sineseryoso ang activity na ginawa ko ah..." anya.

Kunway napasimangot naman si Carissa sa narinig.

"Sabihin mo nga... May galit ka ba sa akin? Bukod sa ang hirap ng binigay mong activity ang dami pa..." angal niya.

Natawa naman si Jungkook sa sinabi na iyon ng dalaga. "Kaya nga kainin mo itong sandwich... Para lumakas ang memory mo... Mahirap mag-aral ng gutom..." anya saka nilagay ang straw sa strawberry milk. "Oh.. inumin mo din ito..." anya.

"Sandali nga.. bakit ang bait mo? Bumabawi ka ba dahil sa ginagawa mo?" natatawang sabi ng dalaga saka biglang napatahimik nang mapatingin sa isang lalaking kanina pa nakatingin sa kanya.

"O bakit natahimik ka na diyan? Nangangamote ka na ba?" natatawa pa ding sabi ni Jungkook saka naupo na sa tabi ng dalaga. I inum din nito ang Banana milk. "Carissassi.. You need to read this..." anya na binuksan ang textbook na hawak.

"Ah sure..." anyang nag-focus sa libro na inabot sa kanya ng kaklase. Nagsimulang magbasa. 'Bakit kaya I have the feeling na minamanmanan niya ako? O paranoid na naman ako?' tanong ng dalaga sa kanyang sarili. Matagal na huling beses na nakaramdam siya ng ganoon. Nung nasa poder pa siya ng kanyang Tita Emily na isang Floor Manager ng club sa Olonggapo.

Lobby ng School.

Hindi nagawang makaiwas ni MinYoon Gi sa pinsang si Kim Jia. Muli nakita na naman siya nito.

"Yoon Gi Oppa, why are you here?" tanong ng dalaga sa pinsan. "Do you have business here..." anya.

"Oh... I just pass by... Nakipagkita din kase ako kay-" biglang nagulat naman si Min Yoon Gi nang makita niya si Kim Nam Joon. "Hey... Nam Joon.." biglang bati niya sa dating kaklase.

Nagulat si Kim Jia pati na din si Lee Seol Bi nang malaman na magkakilala pala ang dalawang lalaki.

Tumunog na nag bell. Meaning tapos na ang breaktime at simula na ang sunod na klase.

Nagpaalam sina Kim Jia at Lee Seol Bi kina Kim Nam Joon at Min Yoon Gi na na noon ay nagkaroon ng short talk about something.

"Magkakilala pala sila?" tanong Seol Bi kay Jia. "OMG..."

"Ngayon ko nga lang nalaman. Nako baka malaman ni Yoon Gi, Oppa ang mga nangyari for sure pagagalitan niya ako. Alam mo naman parang kapatid na ang turing sa akin non." Ani Jia. "nakakahiya."

Natahimik si Lee Seol Bi sa nakitang reaction ng kaibigan. Noon lang niya nalaman na nakakahiya nga ang naging kilos nila sa transfer student na si Carissa. Nagi-guilty na ba siya sa ginawa?

Hindi malaman ni Min Yoon Gi kung paanong magpapaalam kay Nam Joon nang makita niyang palapit na sa kanila sina Carissa at Jungkook.

"Bakit?" takang tanong ni Nam Joon sa dating kaklase.

"Annyeong Haseyo.. Mr. Kim..." bati ni Carissa sa guro saka napatingin sa kausap nitong lalaki. Yunuko na lang siya dito saka nag-excuse.

Room.

Marry Him TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon