Chapter 5 # My five guardians

43 3 0
                                    

Marry Him Twice

Chapter Five

# My Five Guardians

Entrance ng school.

"Sigurado ka bang kaya mo na mag-isa?" tanong ni Park Jimin kay Carissa. Inihinto na niya na ang sasakyan sa may tapat ng entrance ng school.

Tumango na lang ang dalaga.

"I'm sorry kung hindi kita masamahan sa unang araw mo sa klase... May.." hindi na natapos ni Jimin ang sasabihin niya dahil nagsalita na agad ang asawa.

"I understand... I know you are busy..." ani dalaga.

'Napaka maunawain naman pala niya...' sa isip isip lang ng binata.

"Alam kong lahat ng ginagawa mo ay para sa future natin Jimin, honey.."

Sa narinig niyang sinabi ng dalaga ay bigla tuloy naging ackward ang pakiramdam niya. Iba kase ang dating kapag ang dalaga ng nagsasabi noon.

"Um.. may kailangan ka pa ba?" biglang iba niya sa usapan.

Nakatingin lang si Carissa sa asawa. "oppa.. huwag kang masyadong seryoso... Magiging okey din ang lahat." Ani dalaga. Hindi niya alam na lately ay nagiging seryoso siya sa buhay. Nagsimula nung dumating ang babaeng ito sa buhay niya.

"nawiwirdu-" putol ang sasabihin ni Jimin nang bigla na lang dumapo sa pisngi niya ang labi ng asawa niya kuno. "Sandali anong ginawa mo?" hindi niya inaasahan ang gesture na yun.

Pilyang ngiti lang ang lumabas sa mga labi ni Carissa. "Bakit parang nagulat ka? Lagi naman kitang ninanakawan ng halik..." natatawang sabi nito. "Basta simula ngayon bawal na ang seryoso at senti mode okey. Dapat maging masaya na tayo tulad ng dati... Ayaw ni Jaemin na maging malungkot ka. Kaya gawin natin lahat para maibalik natin ang saya sa mga buhay natin kahit wala na siya."

"Pero.." minabuti na lang ng binata na huwag ng mag-react. 'anong gagawin ko eh ngayon lang naman tayo nagkasama?' anya sa isip isip.

"Bahala ka. Hindi na ako makikinig sayo. Simula ngayon nanakawan na kita ng halik kapag nakasimangot ka. Okey?" saka nagmamadaling bumaba na ng kotse.

Naiwang naiiling na lang si Jimin. "Nanakawan ng halik kapag nakitang nakasimangot? Ayos...Hindi ko alam na pilya pala ang gusto mo sa babae, Jaemin." Anya.

Samantala hindi nakaligtas sa paningin ng ibang estudyante ang nakita nilang eksena nina Carissa at ni Jimin. Nagulat din ang mga ito nang makita nila ang foreigner na nakasuot ng school uniform.

"Teka... Seol Bi diba siya yung nakabunggo sayo kahapon? Student din pala siya dito sa atin?" ani Kim Jia. Sinundan na lang nila ng tingin ang foreign student na nakapasok na sa loob ng campus.

Classroom.

Biglang tahimik ang estudyante nang pumasok na ang kanilang adviser sa likod nito ay nakasunod ang foreign student.

"Okey class... Good morning... I would like to introduce to you your new classmate. She is Carissa Samonte. She is from Philippines. Okey.." ani teacher. "Carissa please introduce yourself..." ani Mr. Kim Nam Joon.

Tinignan naman ni Carissa ang mga classmate niya. Kanina parang confident naman ang pakiramdam niya pero ngayon heto... Kinakabahan na siya.

"Annyeong Haseyo... Joneun- Joneun..." biglang nakalimutan ni Carissa ang sentences na binuo niya kanina habang nasa biyahe sila ni Park Jimin. "Hello.. Nice to meet you. My name is Carissa Samonte. Im sorry my Korean language is not good. I am just starting learning your language. Please understand." Ani dalaga.

Marry Him TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon