Marry Him Twice
Chapter Fifteen
# making decision...
Light Cemetery.
Inabot ni Carissa ang helmet kay Min Yoon Gi. "I am sorry Mr. Min... pero sa kanya na lang po ako sasabay..." ani dalaga. "Huwag kang mag-alala kilala ko ang lalaking ito... saka..." tumingin si Carissa kay Seok Jin.
Napakunot noo naman si Seok Jin nang makitang lumapit ang dalaga kay Min Yoon Gi saka may binulong dito. "talaga naman ano naman kaya ang ayaw niyang iparinig sa akin?" sabi nito.
Iiwas sana si Yoon Gi pero hindi niya nagawa. Nakalapit na ang dalaga sa kanya. "alam kong spy ka ni Jimin kaya alam kong hindi mo ako bastang iiwan kay Seok Jin..." anya nakangiti.
Nagtama ang mga mata nina Min Yoon Gi at Carissa. "Mr. Min, mauna na po kami." Ani dalaga.
Tila gustong kilabutan ni Min Yoon Gi ano at biglang naging formal makipag-usap si Carissa sa kanya? Dahil ba sa nalaman nitong siya na nga ang bagong Music Teacher ng mga ito.? Natawa siya ng maalalang niyang sinabi nito mas mukha siyang pulis kesa isang teacher.
Matapos maisuot ng dalaga ang helmet ay umangkas na siya kay Seok Jin. Nauna na silang umalis.
Nailing na lang si Min Yoon Gi nang makitang nakalayo na sina Carissa at Seok Jin. Wala naman sa kanya kung sumabay o hindi sa kanya ang pilipina. Of course, tuloy ang trabaho niya. Isang tipid na ngiti lang ang lumabas sa mga labi niya. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sumama sa lalaking yun... Dahil alam nitong nakabuntot ako.. Ibang klase..." anyang pinaandar na ulit ang motor niya at sinundan niya ulit ang dalawa.
Napahawak si Carissa sa balikat ni Seok Jin nang maramdaman niyang tila bumilis ang takbo nila.
"Hey.. slowdown.. " ani dalaga.
"Talaga bang plano mong sumabay sa lalaking yun kanina?" tanong ng lalaki.
"Bakit? wala namang masama doon. Saka sinabi ko naman sayo na Music Teacher namin yun...".
Biglang naging unease ang pakiramdam ni Seok Jin. Biglang sumabog ang gulong sa harapan ng motor at dahil doon ay na-out of balance sila dahil na din sa bilis ng kanilang takbo. Mabuti na lang at wala silang kasalubong na sasakyan. Gumulong si Seok Jin sa kalsada habang si Carissa naman ay nawalan ng malay matapos itong tumalsik hindi kalayuan sa motorsiklo.
Biglang naging alerto si Min Yoon Gi nang maabutan niya ang disgrasyang nangyari kina Carissa at kay Kim Seok Jin.
Huminto siya saka mabilis na dinaluhan ang dalaga. Inalis na muna niya ang suot na helmet para makakilos siya ng maayos.
"Carissassi?" tawag ni Yoon Gi sa pangalan ng dalaga. Kinuha niya ang panyo niya saka nilagay sa nagdurugong noo nito. Saka mabilis na kinuha ang cellphone para tumawag ng ambulance.
Samantala, pinilit ni Seok Jin na tumayo para lapitan ang dalagang hawak ni Min Yoon Gi. "Carissa... wake up?" tawag ni Seok Jin sa pangalan ng dalaga. Bakas sa mukha ng lalaki ang labis na pag-aalala. "Im sorry... hindi ko sinasadya.."
Hinawakan ni Min Yoon Gi ang balikat ni Seok Jin. "Huminahon ka... Magiging okey din siya." Sabi niya sa lalaki.
Napaawang naman ang labi ni Seok Jin nang makilala niya ang lalaking sinasabi ni Carissa na bago nitong Music Teacher. Kanina kase nakasiot ito ng helmet kaya di niya makita ang mukha nito. Paanong?
"Sandali ayos ka lang din ba?" tanong ni Yoon Gi nang makitang may dugo din sa ulo ang lalaki.
Bagamat nakakataranta ang pangyayari mas pinili pa din ni Min Yoon Gi ang kumalma lang. Level of unbothered na naman ang umiiral.
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Фанфик"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...