Marry Him Twice
Chapter fourteen
# Carissa's unwanted feelings.
Meeting.
Pagkatapos kausapin ni Jimin ang tumawag ay muling ibinalik niya ang focus sa meeting. Kasalukuyang si Tae Hyung ang naghahain ng presentation.
Highway
"Kamusta ka na pala?" tanong ng lalaki kay Carissa na noon ay naka-angkas sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?ano ba ang kinakamusta mo?"
Natawa naman ang binata. "May pagka-pilosopo ka din eh no... Siyempre tinatanong ko kung anong nangyari sa inyo kagabi?"
"ano?" nakakunot noong tanong ng dalaga.
"What I mean is kung nag-away ba kayo kagabi? Kase honestly speaking namumugto ang mga mata mo... Saka mukhang galit siya kagabi... Sana naman hindi ako ang dahilan ng pinag-awayan niyo." Ani Seok Jin.
Sarcastic na natawa naman si Carissa. "Grabe ang bilib mo sa sarili mo eh no?" anya sa wikang tagalog.
"Anong sinasabi mo? Look here... dont speak on your native tongue. Who knows your badmouthing me..." ani binata.
Natawa na lang si Carissa. "Ang sabi ko oo na gwapo ka na..."
Natawa na lang din si Kim Seok Jin.
Samantala, panay naman ang lingon ni Carissa sa likod na para bang may tinitignan... Napahinga siya ng maluwag nang makita niyang nakasunod pa din sa kanila ang mystery spy niya.
"Siya nga pala...Ano bang ginagawa mo at panay ang tingin mo sa likod? Huwag kang makulit at baka masemplang tayo.."
"Pasensiya na..."
Pagkatapos ng halos anim na oras mahigit na pagdadrive ay nalaman ni Min Yoon na nasa isang private cemetery sila. Kung ganun kay Park Jaemin pala pupunta ang dalaga.
Nag-log naman sina Carissa at Kim Seok Jin sa logbook at pagkatapos ay magkasabay na naglakad papasok sa loob ng sementeryo.
"Kita mo na.... Magkapit bahay pa pala ang mga dinalaw natin. What a coincidence..." ani Seok Jin.
'Kung ganun... Siya yung gwapong guy na nakasalubong namin ni Jimin nung unang punta ko dito?' ani Carissa sa isip isip saka nailing what a small world talaga.
Nilagay naman ni Kim Seok Jin ang dala niyang bulaklak at chocolate sa puntod na dinalaw niya. Samantalang ang dalang soju ni Carissa at flowers ay nilagay naman niya sa puntod ni Park Jaemin.
Naglagay din si Seok Jin ng shot glass na may soju sa puntod ni Jaemin.
"Do you know him? I mean kilala mo ba sila ng kapatid niya?" takang tanong ni Carissa sa binata.
"You mean yung asawa mo?" tanong ni Seok Jin.
Alanganing napatango naman ang dalaga. Simula nung nalaman niya ang totoong set up nila ni Jimin hindi na niya ito ma-claim na asawa niya ito.
Ngumiti naman si Seok Jin. "We came from the same high school. Ahead lang ako sa kanila ng ilang taon. Saka sikat na novelist si Jaemin at isa ako sa fan niya." ani Seok Jin. "and your husband Jimin I know him because of business."
"ah..." napatango-tango naman si Carissa.
"Sikat ang asawa mo when it comes to business kaya naman tatagan mo ang loob mo. And besides you should be aware na marami ang babaeng gustong makasama siya. Kaya naman I am sure you are having a hard time because of him. Pero dapat lawakan mo pa ang pang-unawa mo... Ganyan talaga kaming mga pinakanganak na gwapo."
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Fanfic"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...