Marry Him Twice
Chapter 19
# When the situation gets more complicated...
House of Park Jimin.
Halos isang linggo na din na hindi nakakapasok sa school si Carissa.
Isang linggo na din work from home ang drama ni Jimin. Lahat ng for signature nito ay pinapahatid nito sa bahay para doon na pag-aralan at pirmahan. Pag natapos na nito pirmahan at pag-aralan ay pinapakuha na lang nito sa secretary niya para maiprocess na ng ibang department. Kapag may meeting naman ito ay sa bahay lang din ito.
Nasa sala noon si Carissa at abalang mag-aral nang mapatingin siya sa nilapag ni Jimin sa ibabaw ng mesita. Mga libro yun!
"What is that? " tanong ni Carissa sa asawa.
"cant you see? Its a books..." anya.
Napailing naman ang dalaga sa sagot ng asawa . "Of couse alam kong mga libro yan... " inirapan niya ang lalaki.
"Kailangan mong basahin ang mga ito. Dont worry... tutulungan kita para matapos mo ang mga ito. Nalaman ko na ang tungol sa exam mo kaya naman let me support you this time..." ani lalaki.
"Ginagawa mo ba yan para pumayag na ako agad na makipag-divorce sayo?" mapanuring tanong ng dalaga.
Napatingin naman si Jimin sa dalaga. "Regarding sa divorce, you can take your time... Hihintayin ko na ikaw ang magsabi kung kailan natin gagawin ang divorce. Im sorry kung nahusgahan man kita. I will give you a time hanggang sa maging ready ka na..." ani binata.
Hindi malaman ni Carissa kung matutuwa ba siya sa sinasabi ni Jimin pero at least nalaman na din nito ang saloobin niya. Siguro naman magkakaroon na din siya ng puwang sa puso nito lalo pa ay sinabi nito na siya ang magsasabi kung kailan nila gagawin ang divorce. "Well, If that is the case... Gamsa Hamnida..." formal na pasalamat ni Carissa sa lalaki. "Sana lagi ka na lang ganyan... "
Napaarko naman ang kilay ni Jimin.. "What?"
Naiiling na lang si Carissa saka nag-focus na ulit sa pag-aaral. "By the way, hindi ka ba papasok sa work?" tanong niya.
Ilang araw nang napapansin ni Jimin na panay ang tanong ng dalaga kung wala ba siyang pasok sa trabaho. "Bakit mo ba ako tinatanong tungkol sa trabaho?. I am the boss. I can file leave anytime I want. And besides I can work here at home... so I can assist you.." anya na tila asar ang tono ng boses.
Natahimik si Carissa. " I am sorry kung naging pabigat man ako sayo ngayon..."
Winasiwas naman ni Jimin ang mga kamay sa ere. "Dont mention it... Sino pa ba ang tutulong sayo? Alangan namang si Jaemin... " hindi maitago ang pagkapikon sa boses nito.
Natahimik ulit si Carissa. Oo nga naman... Wala na si Jaemin para magpakita ng suporta sa kanya. "you're right.."
Biglang kambyo naman si Jimin. Kahit kailan talaga ang palpak niyang makipag-usap sa dalaga. "What I mean is... You only have me to help you with this kind of situation... You know I am.. your... your husband..." saka biglang naging pang-asar na naman ang ngiti sa mga labi.
Pinilit naman ni Carissa na ngumiti. "Well thanks for the thought... Hayaan mo kapag na-approve na ang divorce natin sisikapin kong hindi ka na abalahin pa.." anya.
Si Jimin naman ang natahimik nang banggitin ng dalaga ang tungkol sa divorce nila.
Ilang sandali pa ay abala na si Jimin na tulungan si Carissa sa mga ibang lessons nito. Hindi lang yun tinuruan din niya ang dalaga mag-constract ng mga korean sentences at masasabi niyang konti na lang ay magiging bihasa na ito sa kanilang language.
BINABASA MO ANG
Marry Him Twice
Fanfiction"What?" Hindi makapaniwala si Park Jimin nang marinig niya ang sinabi ng private investigator niya. Saka napatingin ulit sa mga documents na nakalap niya. "Paano nagawa ni Jaemin ang bagay na ito sa akin?" tanong niya. Naguguluhan siya! Paanong ang...